Vinia Vivar

Sa bagong post ni Kris Aquino kahapon ay ibinalita niyang haharapin niya raw ngayong araw na ito ang mga taong nais siyang pabagsakin.

“TRUTH: i have a board meeting tomorrow with my ‘partners’ in Potato Corner + Nacho Bimby. Haharapin ko on my own yung mga taong kumampi kay nicko at nagsanib­ puwersa sa kagustuhang pabagsakin ako… my lawyers told me they can go on my behalf pero may katangian akong kayang ipagmalaki- hindi ako duwag,” ang simula ng post ni Kris.

Inamin ni Kris na natatakot siya sa magaganap na meeting dahil parang pumapasok daw siya sa “lions’ den.”

“I’m honest enough to say i am afraid of tomorrow’s meeting because i’m entering the lions’ den. And my wounds are still healing. So it’s a given, they can smell blood,” pahayag niya.

Sa mga ganitong pagkakataon daw niya mas lalong nami-miss ang kanyang namayapang inang si former President Corazon Aquino para i-reassure siya that everything will work out for the best.

“This is one instance I NEED MY MOM. Her warm embrace, even just her presence, always reassured me that everything will work out for the best.
No matter our age, we never outgrow our need for our moms.

“Sila ang pumili ng venue, sila ang nagtakda ng oras at araw… all the painful memories have retuned in full force BUT i am Cory Aquino’s daughter and she taught me to never allow anyone to belittle my COURAGE nor sacrifice my INTEGRITY,” pagtatapos pa ng post ni Kris.

Hindi na sinabi pa ni Kris kung para saan ang meeting at kung ito na ba ‘yung inaabangang pag-aayos nila ng idinemanda niyang former business partner na si Nicko Falcis.

At any rate, marami namang mga netizen ang nagbigay ng “good luck” messages and words of encouragement kay Kris sa pagharap niyang ito sa mga “kalaban.”

Bistek, Hero ‘di mag-aagawan sa posisyon

Siniguro ni Quezon City 4th District Councilor re-electionist Hero Bautista na hindi darating ang panahong maglalaban sila sa isang posisyon ng kuya niyang si QC Mayor Herbert Bautista.

“Pinalaki kami ng magulang namin nang maayos na hindi dapat nag-aaway-away dahil sa posisyon o sa politika. Kung baga, si Kuya, tapos na siya sa term niya as Mayor, ako, pumapasok pa lang ako.

“And I don’t think na aabot kami sa point na pag-aawayan namin ang isang posisyon which is really not nice. Hindi magandang tingnan. Magkapatid, nag-aaway dahil sa politika. Ganu’n sa probinsya, ganu’n sa ibang lugar natin.

“Sa amin, iniiwasan namang maging ganu’n, ayaw naming mangyari ang ganu’n,” pahayag ni Hero.

Pagdating sa entertainment scene, kahit hindi na raw Mayor si Bistek ay tuloy-tuloy pa rin ang sinimulan nitong Qcinema International Film Festival at ang QC International Pink Festival.

Ibinalita rin ni Hero na habang busy siya sa kampanya ay may tinatapos din siyang pelikula titled “Fusion” na ilalabas sa Netflix. At bongga dahil ang leading ladies niya ay sina Maria Ozawa and Daiana Menezes. Hopefully ay sa September na raw ito mapapanood sa nasabing streaming service.