HINDI man napapanood pa sa telebisyon si Kris Aquino, pero masasabi naming isa pa rin siya sa mga kontrobersiyal na artista sa bansa. Anything she said kasi, puwedeng maging isyu.

Sa Instagram account ni Kris nakatambay ang mga fans niya na nakaka-miss sa kanya. Pero bukod sa mga fans niya, nakatambay rin sa IG niya ang mga bashers niya.

Katulad na lang sa IG post ni Kris kunsaan, pinost niya ang picture ni Bimby. May sakit ito at hindi raw nila akalain na malamig sa lugar na pinuntahan nila so she referred to herself as L.H. (Laging Handa).

Proud si Kris na ibahagi kung paano nagpasalamat ang anak sa kanya for being a hands-on Mom and caring to them.

Sa post na ‘yun, nabasa namin ang comment ng dalawang bashers niya na sinagot talaga ni Kris.

Una, sinabihan si Kris na akala raw siguro ni James Yap, kaya niya ginawang home schooling ang anak para hindi nito mabisita sa school.

Sinagot ito ni Kris nang, “honestly at this point CARE BEARS… it hurt Bimb deeply when his dad said nakakawalang ganang magpaka-ama sa kanya… so anyway Custody was granted to me & I waived child support regardless of compromise agreement from our very fair court family judge, Judge Cris Sulit so we’ll live our life peacefully- mantra ko yun– I cannot control how others will behave or react.”

Eh, may nangahas pang mag-comment kay Kris nang “laus” (laos) na raw ito.

Mas lalong hindi ito pinalampas ni Kris at sinagot o hinamon ang basher niya na nagsabing laos na siya kapag filing na ng income tax.

“Please wait for my ITR filing April 15, 2918– the commas are still in right places.”

Which only means, kung laos na siya, dapat ay bumaba na rin ang binabayaran niyang income tax.  Eh, siguro nga exposure wise sa TV wala siya, pero endorsement wise plus her businesses, bongga pa rin siya.