MUKHANG tama ang duda ng marami na minor ang role ni Kris Aquino sa kanyang first international movie niya kung tama ang naitsika sa amin ng isang kakilala from Los Angeles, California.
Pero sa kuwento sa amin, nakaaaliw ang role ni Kris sa Hollywood movie na ‘yon.
And yes, hindi lang si Kris ang Filipino na nag-audition para sa nasabing Hollywood movie.
“I heard, pitong Filipino ang nag-audition, hindi lang ako sure kung mga sikat na artista, theater actors o mga kasing-edad ni Kris lahat or for the same role,” sey ng nakausap namin.
‘Yung nakatsikahan kasi namin, nasagap din lang ang tsikang ‘yon sa isang may alam daw tungkol sa “deal” ni Kris sa nasabing Hollywood movie.
Pero kahit “minor” lang ang role ni Kris para sa nasabing Hollywood movie, totoo raw na hinanap si Kris para mag-audition doon.
Kung sino-sino raw mga taga-‘Pinas ang kinontak para makausap si Kris at makapag-audition siya roon.
So, feeling din ng kausap namin ay malaking bagay na mapasama roon si Kris or else, hindi mag-e-effort ng ganoon katindi ang taong naghanap sa TV host/actress, ‘noh?!
Saka, hindi ba, may cliché na, “There are no small parts, only small actors”?!
Malay natin, baka ‘yung sinasabing “minor” role ni Kris doon, maging major-major kapag napansin na siya sa Hollywood dahil sa pelikulang ‘yon!
Knowing Kris, hindi na niya kailangang mag-effort para magpapansin dahil always siyang pansinin.
***
Pinag-uusapan pa kung may second season ‘yung reality TV series na It Girls nina Solenn Heussaff, Georgina Wilson, Liz Uy at Isabelle Daza na ipinalabas last year sa E! Asia.
May tinanong kasi kami kung may plano pa ba ang apat na magkaroon ng another season ng kanilang reality TV series.
Si Isabelle yata, nag-iisip pang mabuti tungkol doon.
Ang iba, nagsasabing dapat sa second season ng It Girls kung sakaling uulit sila, may Anne Curtis na dahil identified siya sa apat.
***
Extended daw ang Meant To Be ng GMA 7.
Isa sa pinaka-successful series ng Kapuso network ang primetime kiligserye nina Barbie Forteza, Ivan Dorschner, Addy Raj, Jak Roberto at Ken Chan.
Alagang-alaga ng mga taga-Siyete ang series na ‘yon.
Ang tsika, marami pang mga celebrity na mapapanood na mag-i-special apperance sa Meant To Be.
Marami raw mga character na papasok sa Meant To Be para hindi maging predictable ang bawat episode nila.
Sa ngayon, hindi pa alam kung hanggang kailan ang extension ng nasabing primetime kiligserye.
Kabaligtaran ang Meant To Be ng isa pang series ng nasabing TV network na tatapusin na!
Well…
***
May “balik-alindog” program si Ogie Alcasid, kaya panay ang training sa gym ng singer/songwriter.
May mga pagkakataon na nakakasama ni Ogie ang anak na si Leila Alcasid sa pagti-training.
Noon, madalas na ring mag-training si Ogie sa gym, pero itinigil niya dahil sa sobrang pagka-busy.
Ginagawan niya ngayon ng paraan na makapunta ng gym nang madalas.
In fairness to Ogie, kapag walang trabaho, hindi siya nagpupuyat at maaga ring nagigising.
Kapag tine-text namin sa umaga si Ogie, nakaka-reply siya kaagad.
PEDE PA SI KRISSY SEXY…..^_^