Mahina ang pangangatawan ni Kris Aquino na nagdudulot ng sunod-sunod na aksidente.

Isiniwalat niya ito sa kanyang blog na naka-post sa Facebook kahapon, Biyernes.

Ibinahagi niya ang larawan ng pasa-pasang braso dulot ng pagkakadulas sa kaniyang paliguan nitong March 9. bukod dito ay ang pagkakabagsak niya noong March 4.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagpapagaling at pagpapalakas niya. Nang sa gayon ay maging maayos ang resulta ng susunod niyang medical check-up sa Singapore sa dara­ting na Mayo.

Humingi rin siya ng tawad sa mga taong nadadawit sa salpukan nila ng mga Falcis.

Aniya, “I also apologized privately to the people undeserving­ of getting dragged into this war where TRUTH has been so twisted and manipulated because the statement of facts as they are is something others are incapable of doing.”
Sa mga nangyayari sa buhay ngayon ng aktres ay tanging pa­milya at mga kapatid ang kanyang nakakapitan. Aminado man siya sa malaking pagkakaiba niya sa mga kapatid na nagiging isyu na baka hindi siya tunay na anak ng mga Aquino.
Inisa-isa niya ang malaking pagkakaiba niya sa kanyang mga kapatid. Pati ang kanyang pagiging magarbo kaysa sa mga ito.

Lalo na at hindi niya nagagawa ang mga bagay na kayang­ gawin ng mga kapa­tid partikular na ang pagi­ging praktikal. Napagsabihan pa nga raw umano siya na subukan ang mamuhay nang simple.

Paliwanag naman niya, “I’M THEIR BIOLOGICAL SISTER, i’m just from a different mold.”