Kris, ilang beses nag-Manaoag bago mag-over da bakod

kris aquino

HINIHINTAY na lang ang announcement mula sa APT Entertainment o Kris Aquino kaugnay sa pag-alis ni Tetay sa ABS-CBN 2 at pagkakaroon ng bagong manager na si Mr. Tony Tuviera ng APT.

Nasa Baguio pa si Kris para i-celebrate doon ang kaarawan ng Ate Balsy niya.

Ang huling post ng Queen of All Media ay ang magandang view ng Baguio Country Club.

May caption iyon na, “Tranquility + Family = Happy Birthday”

Ang dami na namang komento sa post na iyun. Ang ilan ay nagsasabing huwag na siyang lumipat ng GMA 7.

May ilan namang nanghihinayang dahil sa TFC lang daw sila nakakapanood.

Ang napansin lang namin, nag-flood ang komentong gumawa sana sila ni Maine Mendoza ng talk show, bilang nasa isang management na sila.

May ilang sources pa kaming nakausap kung ano na ang plano nila sa career ni Kris, pero mas mabuting hintayin na lang kung ano ang puwede nilang sabihin.

Hindi pa kasi sure ang lahat.

Basta, lahat ito ay ipinagdasal ni Kris. Ilang beses ito nag-Manaoag para doon ipagdasal ang malaking desisyong iyun.

Kinausap namin ang ilang close kay Kris, pero umiiwas silang sagutin ang tungkol sa isyung iyun.

Mabuting hintayin na lang ang official statement mula sa kampo ng APT at kay Kris na rin.

***

Napanood namin sa Encantadia kamakalawa nang gabi ang pagpasok ni Miguel Tanfelix bilang Pagaspas at natuwa kami sa eksenang iyun.

Nagpatugtog si Amihan (Kylie Padilla) ng flute at nakarating ito sa mundo ng mga Mulawin, kaya napapitlag at lumipad si Pagaspas patungong Encantadia para tulungan ang mga Sang’gre.

Ang guwapo ni Miguel sa Mulawin outfit niya.

Sa pagpasok ni Pagaspas, inaabangan na ang pagpasok ni Alden mula pa rin sa mundo ng mga Mulawin.

Pinaghahandaan na ito ng Pambansang Bae dahil ang dinig namin, magsisimula na siyang mag-tape sa susunod na linggo.

***

Naintriga kami sa text ng isang kaibigan na nakita nila si Regine Velasquez sa ABS-CBN 2 kahapon.

Ano raw kaya ang pakay ng Asia’s Songbird sa Kapamilya network?

Nalaman naming guest si Ogie sa Magandang Buhay para sa promo ng nalalapit niyang concert na Ayokong Tumanda na gaganapin sa Music Museum sa August 26 at 27.

Gusto lang daw samahan ni Regine ang dyowa, di ba?

Kahapon din ay pumirma sa ABS-CBN 2 si Aga Muhlach bilang nagbabalik na Kapamilya.