HINDI naganap ang ­inaasahang eksen­a ni Kris Aquino kay Herbert Bautista sa kasalang Alfred Vargas-Yasmine Espiritu dahil hindi naglapit at nagbatian ang dating magkarelasyon.

Ninang sa nasabing kasal si Kris habang si QC Mayor Herbert ay cord sponsor kasama ang Vice Mayor nito na si Joy Belmonte.

Ang sarap ng smile ni Kris sa tuwing may pumupuri sa gown niya na gawa ni Michael Leyva.

Ang sey niya, Michael Cinco gown ang sinuot niya sa Hollywood movie na hindi niya mabanggit ang pamagat, at ‘yun ang kanyang backup gown na hindi niya nasuot.

Kahit alam ng lahat na may cameo role siya bilang isang Asian princess sa film version ng Crazy Rich Asians ay may kiyeme pa rin si Kris na hindi niya puwedeng sabihin ang title ng movie.

Ninang din si Tita Lolit Solis, kaya nagkaroon ito ng pagkakataon na hirit-hiritan si Kristeta nang magkalapit silang dalawa.

Ang kuwento ni Tita Lolit, huling-huli niya ang palihim na tinginan nina Kris at Bistek.

Panay ang pagrereto ni Tita Lolit kay Kris sa na-meet niya roon na binatang anak ni Mr. Ramon Ang (Fil-Chinese billionaire na big boss ng San Miguel Corporation) na si Jomar Ang.

Pilit niyang pinapag-match ang dalawa, pero ang sey ni Kris, masyadong bata sa kanya ang 24-anyos na si Jomar.

Maugong ang tsikang tatakbong Senador sa susunod na eleksyon si Bistek at si Kris ang patatakbuhin nitong QC Mayor.

Naihirit ‘yon ni Tita Lolit kay Kris at sinabi niya rito na ang mayor niya ay si Joy Belmonte.

“Of course,” ang sagot daw sa kanya ni Kris, sabay tanggi sa tsikang tatakbo itong ma­yor ng QC.

After ng kasal ay ikinuwento ni Tita Lolit ang mga ‘yon sa kanyang Instagram account.

Hindi nakatiis si Kristeta na hindi ito sagutin sa comment section ng IG post ni Tita Lolit.

Dayalog ni Kris, “Po­litics in 2019 isn’t part of my plans — I’m buil­ding my food & digital empire.

“I really do want to work with you on TV or radio, payag akong magpaapi sa ‘yo BUT the difference is I won’t cry anymore, I’ve learned to give as good as I get.

“And I didn’t look at the QC Mayor, neither did he attempt to say hello to me — it is BEST this way.”

***

May part 2 pa ang wedding kuwento ni Tita Lolit sa IG.

Aniya, natawa siya kay Kris nang sabihin nito sa kanyang gawa sila ng talk show kung saan lagi silang nag-aaway dahil gustung-gusto niya itong inaaway.

Ayaw ni Tita Lolit ng idea ni Kris dahil araw-araw itong cry, so araw-araw rin siyang aawayin ng fans nito.

“Ayoko nga, ima-match ko na lang siya kay Jomar Ang at araw-araw ko siya hingan ng datung, mas mabuti pang idea ‘yun. Palagay n’yo? Hehehe.”

May sagot ulit dito si Kristeta.

Sey nito, “Please spare Jomar — malak­i utang na loob ko kay boss RSA.

“I can afford to give you allowance everyday. In fact, you can manage me for TV, hala maloloka si birthday boy ALV.”

Sa isang IG post ni Tita Lolit kahapon ay nabanggit niyang type niya ang bonggang offer ni Kris na everyday allowance.

Aniya, rich talaga si Kris kahit walang TV show.

***

Kay Tita Lolit kami nakisabay ng kaibi­gang Jojo Gabinete nu’ng kasal, kaya narinig agad namin ang mga kuwento niyang ‘yon right after the wedding.

Sey ni Tita Lolit, parang siya pa ang nainis dahil hindi niya mapikon-pikon si Kris kahit anong kantiyaw niya rito.

As in kahit anong sabihin niya ay hindi ito nainis, so siya pa ang nainis dahil hindi siya sakses sa pang-uurot niya rito.

Nabanggit daw sa kanya ni Kris na matagal na ito at si Herbert na hindi nag-uusap.

At sa kantiyaw niya rito tungkol sa kasal, ang hirit daw sa kanya ni Kris ay hindi na ito magpapakasal as in NEVER.

Bigo rin si Tita Lolit na intrigahin si Kristeta tungkol sa balitang plano nitong pagtakbo sa politika ng Quezon City.

Nang makita namin si QC Vice Mayor Joy Belmonte-Alimurung sa cocktails area sa Manila Pen ay nabanggit dito ni Tita Lolit ang sinabi niya kay Kris na si Joy ang iboboto niyang mayor ng QC kahit pa tumakbo si Kris na ka­laban nito.

Naaliw kami sa kaswal na tsika ni Vice Mayor Joy na nu’ng ‘Peace be with you’ part ng misa ay hindi siya nilingon ni Kris at hindi ito nag-‘Peace be with you’ sa kanya.

Dating magkaklase sa Ateneo sina Kris at Joy.

Kasama ni Joy doon sa wedding reception si QC Councilor Gian Sotto, na balitang magiging running-mate niya next elections.