Kris inisnab ang alok ng Korea, Lolit nag-throwback

Pinaalala ng talent manager na si Lolit Solis ang alok kay Kris Aquino.Muntik maging bahagi ng Korean entertainment industry ang actress-TV host kung kinagat niya ang offer. Pero sad to say inisnab niya ang mga proyekto.

Mababasa sa Instagram account ni Manay Lolit:

“Dahil nga wild imagining ang nangyayari ngayon sa akin Salve , naisip ko rin kung sakali at tinanggap nuon ni Kris Aquino iyon alok na tv at movie sa Korea naiba kaya ang buhay niya lalo na ang colorful lovelife niya , hah hah. Kung sakali kaya naging lover niya si Jo InSung, Jang Hyuk at Song JungKi ? Ang naging anak kaya niya sila Jin Young at Park Bogum ? Bongga di ba ?

“Sabi nga isa lang twist of event puwede mabago iyon fate mo, iyon tatahakin mong path sa buhay mo. That time, darling ng mga koreans ang mother ni Kris na si tita Cory, kaya panay ang kulit ng mga producers na makuha siya to star in the movie at tv dahil sure daw na magugustuhan ng mga koreans. Siguro nga it was not meant to be, kaya kahit 3 beses ng bumalik dito iyon mga koreans hindi natuloy iyon deal.

“Ayaw din siguro ng guardian angels ko na magsabog ako ng lagim at kahihiyan sa Korea kaya heto ako addict na lang at watching ng mga korean telenovela , huh huh huh.”

Nu’ng 2019 ay nag-post si Kris sa kanyang IG account tungkol sa isyung ito: “I wasn’t forward thinking enough to have trusted their vision and signed up for a long term contract with their company because I was ‘comfortable’ doing my massacre movies and I couldn’t see me entrusting the next 5 years of my life to them because they were offering a long term deal that would have brought me to Seoul which didn’t look that attractive monetarily but would have given me incentives.”

Talbog!

Bagong biktima ni Jay: Ogie umalma sa pangit

Pumalag ang actor-producer-manager na si Ogie Diaz sa paggamit ng pangalan niya ni Jay Sonza. Kinompara siya sa mga pangit.

Tweet ni Jay : “asymptomatic – you know you have the virus and accepted it.

asymptopangit – nagiging kamukha mo na sina PAB jover at Ogie D. pero di mo pa rin matanggap. “

Isa pa niyang tweet: “ASIM ‘TO PANGIT lang ang post, na trigger na ang mga gunggong at unghang. Bakit lahat ba kayo kamukha Jover at Ogie? Why are you so affected?”

Sey ni Ogie sa kanyang Facebook account: “Kung makakadagdag pogi points ke Jay Sonza ang paggamit sa pangalan ko, go lang. Sana, ikagwapo mo at magkaroon ka na din ng pwesto sa gobyerno na matagal mo nang inaasam-asam.

“Pag wala pa ring nangyari, mag-suggest na lang ako sa ‘yo ng pwede mong gamiting tao, ‘yung mas sikat kesa sa akin kasi gustong-gusto kong gumwapo ka at makapwesto ka man lang, dahil awang-awa na ako sa ‘yo. Noon ka pa nagpapapansin, hanggang ngayon, waley pa rin naman.

“Pangit ba talaga ako? Kasi, kung yung itsura mo ang batayan ng kagwapuhan, eh okay na pong pangit ako.

“Hiyang-hiya naman ako sa mukha mong mala-porselana ang kutis.

“Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan? Sa ‘yo pa talaga galing, ha? Talaga ba? Hindi nga?.”

“Bigyan kita ng chance, ha? Pwede pang mag-change ang mind mo, ha? So sa yo pa talaga galing na pangit ako? Ikaw pa talaga ang nagsabi? Sure ka na ba? Hahahaha! “

Panalo ang resbak ni Papa O!