Ang isang netizen hiding under a fictitious name at wala man lang larawan sa kanyang social media site, iba rin ang kapal, huh! Matapos tawaging “mataba” times three ang isa sa tunay na showbiz royalty na si Kristina Cassandra Concepcion, may death wish naman siya para Kristine Bernadette Aquino.

Ang hitad na katkatera, ang reaksyon sa larawan: “Malason sana kayong dalawa.”

Hindi pinalagpas ni Aquino ang masasamang pananalita mula sa ultimate hitad: “I am so done being bullied by insane people like you who do It with fake accounts. Kung gusto mo talaga kaming lasunin, just do it and stop hiding under freaking made up IG accounts. Tulog ka na raw. Your dad Satan says it’s time for bed.”

Kabog na kabog ang nameless netizen, hindi ba naman. May mga pambwibwisit at pang-uurat na dapat dinedeadma lang pero kung talagang sadyang hindi kabutihan ang hanash, dapat paminsan-minsan, hindi lang pinipitik, dapat pinapatulan at pinapamukha sa mga nagtapang-tapangan kung sino ang kanilang bwinibwisit.

All together now, just like Anna Dizon is Anna Dizon, Kris Aquino is Kris Aquino kaya sa katkaterang tinarayan niya, deserving ka ineng o totoy.
***

Mike de Leon inisnab ng Gawad URIAN

Ang pinaka may pribilehiyong magsuplado at magsuplada, ang Manunuri na binibigay ang taunang GAWAD Urian, inanunsyo na ang kanilang nominasyon.

Sa true lang, nakaka-miss ang panahon na limang actor o actress lamang ang nasa best actor at actress ca-tegory sa URIAN kasi nga parang mas hebigat at talagang salang-sala ang mga dapat na maging nominado kung nasa kinaugaliang lima ang maglalaban-laban.

Sign of the times na nga yata ang paramihan ng mga nominee. Ang diva that you love, ang wish lang, ang mga nominadong ito, mag-effort at dumalo sa gabi ng parangal.

11 ang nominado sa best actress. May double nomination si Anne Curtis para sa “Sid and Aya” at “BuyBust,” Hindi totoo ang more chances of winning sa URIAN kaya mas sure na luhaan siya.

Ang mahigpit na magkaribal, ang kutob ng diva that you love, si Nadine Lustre para sa “Never Not Love You” at Ai Ai delas Alas para sa “School Service.”

Kung magpapaka-different ang choice ng mga Manunuri na hindi naman kataka-taka, ang relative unknown na si Maribeth Fanglayan, “Tanabata’s Wife.”

Sa best actor, 10 ang nagpapa-tigasan at nagpapagalingan. May double nomination rin ang Pambansang Kayamanan Eddie Garcia para sa “Hintayan ng Langit” at “ML.” Kung “seniority” at “master class in acting” ang magiging basehan ng mga taga-GAWAD, shoo in na si Sir Eddie.

Kung gusto naman nilang pagbigyan ang mga relatively nakakabata, hindi na masama kung isa kina Dingdong Dantes (“Sid and Aya”), Carlo Aquino (“Meet Me In St. Gallen”) o Christian Bables (“Signal Rock”) ang magtatagumpay.

Ang dark horse, baka si Victor Neri para sa “A Short History of A Few Bad Things.”

Lima lang ang magmamagandahan sa best suppor- ting actress category. Kung si Cherie Gil sa “Citizen Jake” o si Ms. Nova Villa sa “Ms. Granny,” hindi magdadabog ang aking bangs.

Sa best supporting actor, bagama’t nalulungkot ako na hindi nominado sina Luis Alandy para sa “Citizen Jake” at si Arron Villaflor para sa “Mamu And A Mother Too,” hindi ako maiimbiyerna kung si Joel Lamangan ang mananalo para sa “School Service” o si Romnick Sarmenta sa “Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon.”

Sa pitong nominado, kung si Arjo Atayde ang magwawagi para sa “BuyBust,” may chance na marami ang mababaliw at headline kung headline kung saka-sakaling iaalay niya ang kanyang panalo sa dyowang si Maine Mendoza.

Sa Best Picture, kayo na ang kumutob my dear Abante TONITE readers. Ang may pinakamaraming nominasyon ay “BuyBust” at “Signal Rock.” Isa kaya sa kanila ang magwawagi?

Ang nakakataka at gusto kong makahibang, ang comeback ni Mike de Leon, ang “Citizen Jake,” snubbed na sa best picture at sa best director category samantalang ang “Sister Stella L” niya dati, wagi in all the major and minor categories noong 1984 URIAN.

Iba rin talaga ang mga taga-GAWAD URIAN, huh! Ang last living film master of the golden showbiz era, deadma talaga sila.