Kris kinukotongan ng $700

Umiiyak si Kris Bernal sa kanyang You Tube video dahil nga sa pangha-hack na ginawa sa kanyang social media accounts including Instagram, Twitter and personal email.

Aniya, ginawa na niya ang lahat para ma-retrieve ang kanyang mga accounts pero hindi na niya talaga ma-retrieve.

Pagbubunyag pa niya ay tinatawagan daw siya ng hacker at hinihingan ng malaking halaga.

“The hacker is calling me and asking me to pay in dollars. If they are asking money from you, kindly block and report the numbers calling you. Please report to Instagram that my account has been hacked,” pahayag ni Kris.

Mahigit 700 dollars daw ang hinihingi ng hacker para isoli sa kanya ang mga accounts niya.

“A suspicious group from Konya, Turkey hacked all of my social media accounts,” pagbubunyag pa ng aktres.

Iyak nang iyak si Kris kaya naman ang daming fans na naiyak din at naawa sa kanya.

“Nakakadurog ng puso na makita ka naming umiiyak. God will give you strength. He will never leave you. He has a bigger and better plan for you. Do not be anxious. Keep the faith in God and submit all your worries and problems to Him,” komento ng isang netizen.

Gown ni Kim kinopya sa beauty pageant?

Isang linggo nang mahigit tapos ang ABS-CBN Ball ay ayaw pa ring tantanan ng mga bashers ang gown na isinuot ni Kim Chiu. Bukod sa pinaglaruan na nga ito’t kung ano-ano ang ginawa sa damit (ginawang shawarma, shuttlecock, rocketship, table napkin, bridal bouquet), ang ini-issue naman lately ay kinopya raw ito at nagamit na ng isang contestant sa beauty pageant.

Mabuti na lang at marami ring tagapatanggol at supporters si Chinita Princess at para sa kanila ay hindi issue kung gamit na o kinopya kung kanino ang nasabing gown dahil as far as they know ay isa ito sa pinaka-eleganteng designs na nakita nila sa naturang ball.

In fairness naman to Kim, in the past ABS-CBN Ball or Star Magic Ball, consistent sa pagiging Best Dressed ang aktres. If you’d look back since 2015, talaga namang head-turner siya lagi ng ball and she always exudes class and elegance kahit ano pa ang suot niya.

Besides, nilinaw na rin naman ni Kim na gusto niyang makatulong sa mga young local designers natin at ito ang dahilan kung bakit niya pinili si Benj Leguiab IV para gumawa ng kanyang gown this year.

And Kim carried the dress well naman talaga kaya nga marahil talagang napansin ng netizens at pinaglaruan na. Ewan lang ha, pero kung sa iba kayang artista pinasuot ang gown, mapapansin pa rin kaya? Iba lang talaga magdala si Kim sa tanggapin o hindi ng kanyang mga basher.