WALA pang masabi si Arnold Vegafria tungkol sa gagawing programa ni Kris Aquino sa GMA 7.

Si Arnold na ang tumatayong business manager ni Kris.

Meron siyang nai-pitch sa GMA 7 na magandang programa para kay Kris, pero hindi na nila uli ito napag-usapan sa mga top executives ng Kapuso network dahil pumasok sa eksena si Willie Revillame.

May ideya si Willie na show na ihu-host ni Kris, pero hindi pa sure kung matutuloy ito.

“Inaayos pa, eh. Nag-uusap pa eh. Pero lalabas siya kay Willie (Wowowin),” tipid na sagot ni Arnold nang sandaling nakatsikahan namin sa contract-signing ni Teejay Marquez sa Regal Films.

“Pinag-uusapan pa, eh. Malalaman ‘yan next week what would be the final,” sabi pa ni Arnold.

Hindi niya inamin pero hindi itinanggi ni Arnold ang nari­nig naming usap-usapan na parang talent show na mala-That’s Entertainment ang progra­mang iho-host ni Kris sa Kapuso Network.

“Matagal nang plano ni Willie ‘yun, eh. Wala pa namang final.
“One more mee­ting para ma-finalize pa, eh,” sagot ni ALV.

Willing din si Kris mag-produce ng sa­riling show, o kahit makipag-produce.

Pero sa ngayon ay hinahayaan muna nilang si Willie ang nakikipag-usap sa mga taga-GMA 7.

Basta, abangan na lang isa sa mga araw na ito ang ia-announce nila tungkol sa magi­ging show ni Kris Aquino sa GMA 7.

Sana nga, matuloy.