MAPANGAHAS na ang image ni Kris Bernal ngayong magtu-28 na siya sa May 17.

For the first time ay pumayag na si Kris na mag-covergirl at mag-sexy photo shoot sa May 2017 issue ng FHM magazine.

Kuwento niya, nag-crash diet siya for one week para rito.

Dahil first time niyang mag-FHM ay sobrang pressured siya at hindi niya alam kung anong preparation ang gagawin niya.

Noon pa siya ina­awitan ng nasabing men’s mag, pero nga­yon lang siya napa-oo.

Muli siyang nila­pitan at inalok ng FHM nang makita ang mga pa-bikini niya sa social media.

Bago ito ginawa ni Kris ay marami muna siyang kinonsulta kabilang ang GMA Artist Center at ang pamilya niya.

Aniya, ang family niya ang may huling sey sa mga lumabas sa magazine. ‘Yun ‘yung pinaka-da­ring na kaya ng pamilya niya.

“Pumayag na ako, kasi I’m turning 28 na this month. Nu’ng mga 23 o 24 ako, talagang hindi kami pumapayag ng family ko.

“This time, ‘yung age ko, nasa marrying age na rin or getting a family. Ito siguro ‘yung lift na puwede kong gawin sa career ko.

“Siyempre, hindi naman ako puwedeng maging nanay agad, ‘di ba?” bulalas ni Kris.

Mas confident na ang petite Kapuso star sa body niya at sa pagsusuot ng mga sexy.

Ready na siya anytime sa mga ganito.

Kris Bernal“Kasi, kung papabayaan ko lang ‘yung katawan ko, ang pangit naman na ang liit ko na, papabayaan ko pa na sluggish ‘yung katawan ko na walang korte.

“Kasi, mahirap talaga sa built ko, eh. Ang liit lang talaga ng frame ko. I only stand 5’1”.

Sey ni Kris, ang ideal weight ng ganu’ng height ay 100-130 lbs.

So, hindi siya underweight dahil 105 lbs. ang timbang niya.

Size 32” cup A ang bra size niya at 22” ang kanyang waist.

Nang pansinin ng press ang medyo hume-hello niyang boobs, ang sabi ni Kris ay mukha lang itong malaki dahil flat ang tiyan niya.

Kaya mas nae-emphasize ang dibdib niya. Wala raw retoke ang boobs niya, sabi ni Kris.

Paliwanag niya, minsan sa photos ay mukhang malaki ang dibdib niya, pero ginagamitan lang ‘yon ng pads o ng pushup o silicone bra.

‘Yun lang ang nagdadala nu’n.

“May laman naman talaga ‘yung boobs ko, in the first place,” pakli niya.

May isang shot si Kris sa loob ng magazine na litaw ang isang pisngi ng puwet niya habang nakataob siya sa dalampasigan.

Confident na ginawa ‘yon ni Kris dahil wala kasi siyang ipapakita na sobrang skin.

Limited lang, kumbaga.

Kaya kineri niya ang papuwet shot na ‘yon.

Meron din siyang isang kuha na basa-basaan ang suot niyang red swimsuit at naka-closeup ang kanyang KEEFEE.

Sey ni Kris, ‘pag swimsuit ay okey lang sa kanya ‘yon. At saka lahat daw ng swimsuit, nababasa.

Eh bakit parang ang tambok ng KEEFEE niya sa nasabing closeup pic?

“Hindi ko yata naahit! Charot! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Kris.

Kinunan sa Infla­table Island sa Zambales ang nasabing FHM shoot.

Ang daming tao nang mag-shoot sila, pero hindi nailang si Kris.

Katwiran niya, tinanggal na niya ang hiya-hiya dahil 10 years na siya sa industriya.

Tapos na siya sa dramang nahihiya-hiya siya.

Binash ng ibang netizens ang sexy shoot na ‘yon ni Kris at sinabing sobrang payat niya.

Feeling ni Kris ay may ibang tao lang na hindi siya maintindihan at meron ding gusto lang mam-bash.

In fairness ay me­ron din talagang concerned sa kanya.

Hindi siya patola sa bashers, bina-block na lang niya.

Basta, ayaw na lang mag-explain pa ni Kris dahil ganu’n talaga ang katawan niya.

Ang alam niya, in-improve niya lang ang body niya dahil kung hindi ay mukha na lang siyang batang maliit forever.

3 Responses