Kris mabagsik ang aura

Mabagsik at mabalasik ang aura ngayon ng Kapuso star na si Kris Bernal.

Kahanga-hanga at talaga namang nakaka-wow ang kasek-sihan ni Kris sa one piece high cut red swimsuit nito.

Sumusungaw na ang gilid ng malaking bola nito sa dibdib dahil sa mababang side-cut ng kanyang suot.

Isang halimbawa ng magandang “beauty transformation” si Kris.

Mula sa pagiging isang sweet girl, naging health buff hanggang sa naging mala-sili sa anghang ang kanyang kaseksihan.

Nagningning ang personality ni Kris, hindi lang dahil sa kaseksihan nito ngayon, kundi dahil sa success na tinatamasa nito sa buhay.

Bukod sa pagiging isang mahusay na aktres ng GMA-7, tagumpay rin siya bilang isang businesswoman.

Isang restaurateur ng Korean dishes si Kris, katuwang ang Chinese boyfriend nito.

Kaya nga napapansin ang kanyang presensya sa lahat ng lugar na pinupuntahan dahil sa positive aura nito.

Pintasan man ito bilang “skinny”, “anorexic”, “kalansay beauty”, deadma lang ang aktres.

Nakakain niya ang lahat ng gusto niyang kainin nang wala siyang iniintinding pag-lobo ng katawan. Ito ang kinaiinggitan sa kanya ng iba. (Rey Pumaloy)