Kris, MAKIKIPAGSABONG kay Vice

vice-kris

kris aquinoHINDI pa pala napi­pirmahan ng producer ng travelogue special ni Kris Aquino na ipapalabas sa Sunday Night Box-Office (SNBO) ng GMA 7 ang kontrata, kaya wala pang definite na airing date ang nasabing special.

Pero kinumpirma ng source namin mula sa Kapuso network na kausap na ng isa sa big bosses nila ang producer ng nasabing travelogue.

“Hindi lang kami sure kung si Kris ba ang producer ng travelogue special na ‘yon, kasi, hindi naman nakaka­usap ng mga taga-GMA 7 si Kris, eh. Si Miss …… (name ng producer) ang kausap nila!” sey ng source namin.

Ngayong Marso 26 daw ang travelogue ­special na ‘yon, pero one shot deal lang daw ‘yon.

Hindi pa raw naibabalik ng producer ng nasabing traveloguespecial ang kontratang ipinadala sa kanila ng Kapuso network at wala pa rin daw down payment.

“Pero baka bukas (Monday), matanggap na namin ‘yon!” sey pa ng kausap namin.

Dalawang oras tatakbo ang SNBO travelogue special ni Kris at makakatapat ‘yon ng GGV ni Vice Ganda.

May inihahanda ­kayang special episode ng nasabing show ang ABS-CBN para ipantapat sa travelogue special ni Kris?

Libutin kaya ni Vice ang 7,107 islands ng ‘Pinas para ipantapat sa tra­velogue special ni Kris?

O finally kaya ay i-guest ni Vice (at pumayag mag-guest, huh!) ang basketbolistang nakarelasyon niya noon at sinasabing dumurog ng kanyang puso para ipantapat sa travelogue special ng kanyang “asawang” si Kris?

Well, kaabang-abang ang tapatan na ‘yon sa Marso 26, ‘noh?!

Teka! Maging friendly competition lang ba sa mag-“asawang” Kris at Vice ang tapatan na ‘yon o tuluyang ikakasira ‘yon ng relasyon nila bilang magkaibigan?

Well…

***

Ngayong umaga mapapanood ang TV guesting ng mag-amang Ogie Alcasid at Leila Alcasid sa Magandang Buhay.

Si Leila ang panganay ni Ogie sa ex-wife niyang si Michelle van Eimeren.

Nag-decide si Leila na pumunta ng ‘Pinas at mag-aral dito while doing some modeling and other projects.

Si Ogie mismo ang manager ni Leila at kahit hindi niya aminin, may pagka-stage father siya.
Kapag tatanungin mo, very proud lang daw siya sa kanyang anak.

Dapat tutukan ang guesting ngayong 8:00 AM ng mag-ama sa Magandang Buhay ­dahil marami tayong mga ­bagay na madi-discover sa kanila.

Maging ang hosts na sina Karla Estrada, ­Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ay sobrang touched daw sa pagiging tatay ni Ogie kay Leila.

Nakatutuwa na ­maging si Regine ­Velasquez-Alcasid ay nagpo-promote sa social media acounts ng guesting na ‘yon ng mag-ama.

Walang masama roon dahil kahit nasa Kapa­milya network na si Ogie, may pagkakataon din na ipino-promote niya ang mga proyekto ng kanyang misis sa GMA 7 katulad ng Full House Tonight.