Kris, malabong ‘makalusot’ sa GMA

kris aquino

Bunso ni Dinah Dominguez, naligaw

SA Huwebes ang cremation ng dating aktres na si Dinah Do­minguez.

Namatay si Dinah noong Biyernes dahil sa aneurysm habang nasa concert ang anak niyang si Champagne Morales.

Hanggang bukas na lang ang burol ng mga labi ni Dinah sa Funeraria Paz sa loob ng Manila Memoral Park sa Dr. A. Santos Avenue (dating Sucat Road), Parañaque City.

Doon din ang cremation sa Huwebes nang umaga.

Kagabi, nagpugay kay Dinah ang ilang mga dating nakatrabaho at naging malapit sa yumao noong active pa siya sa showbiz.

Sina Maria Isabel Lopez, Liz Alindogan, Azenith Briones, Rez Cortez at Leo Martinez ang may idea na magsama-sama ang mga taga-showbiz na naging malapit sa nanay ni Champagne.

Kuwento sa amin ni Liz kahapon, tatlo ang mga anak ni Dinah  sina Diamond, Champagne at ang bunsong si Bobson na isang special child.

Awang-awa si Liz sa kuwentong nakarating sa kanya na naligaw sa kanilang village si Bobson dahil sa kahahanap kay Dinah, na hindi niya alam na yumao na.

“Ang kuwento sa akin, may concert kung saan si Champagne ang host at very busy si Dinah sa pag-aasikaso.

“Hindi pa raw nag-start ‘yung concert at nagpunta lang daw si Dinah sa comfort room para mag-toothrush at doon na siya namatay,” kuwento pa ni Liz.

***

“Anak” ang tawag ni Robin Padilla sa pamangkin na si Daniel Padilla.

Sa Vina@Thirty concert ni Vina Morales, asikasong-asikaso ni Robin ang anak ng kapatid na si Rommel Padilla.

Pinag-i-stay pa ni Robin sa dressing room niya si Daniel, pero sabi ng young actor, doon na lang siya sa labas ng dressing room dahil naaaliw siya sa panonood sa paglilinis sa backstage na binaha.

Bumulwak ang tubig mula sa comfort room ng isa sa dressing rooms ng KIA Theater.

***

Dahil kumakalat ang balitang “hindi makakalusot” sa GMA 7 ang show na plinano (na dapat ay nag-start na raw ang taping noong Setyembre 22, pero naudlot) ni Kris Aquino, may mga nagsa-suggest na bakit hindi na lang isang internet show ang gawin ng nanay nina Josh at Bimby?

Tutal daw ay Queen of All Media ang bansag kay Kris, siguro ay “kakagatin” ng kanyang followers ang isang internet show sakaling iko-consider niya, huh!

Remember, Kris Aquino is Kris Aquino (kahit magprotesta pa si Anna Dizon), kaya puwedeng pagtiyagaan ng kanyang fans ang isang internet show na iho-host niya kung saka-sakali, ‘noh?!

O kaya, gayahin ni Kris ang idol niyang si Oprah Winfrey at magtayo siya ng sariling cable TV network at bumuo siya ng iba’t ibang klaseng shows at marami pa siyang mabibigyan ng trabaho!

In fairness, marami na rin kasi ang nakaka-miss na panoorin sa isang show si Kris.

Some fans (and detractors?) eh pinagtiyagaan na panoorin ‘yung interview sa kanya ni Bianca Gonzalez sa isang event ng isang laundry detergent na ine-endorse niya, huh!

Sa dami ng mga ipinahayag doon ni Kris, nag-enjoy ang mga nanood ng videos ng interview na ‘yon ni Bianca!