Kris, manhid na sa haters at bashers

Kris Bernal

RUMAKET sa isang event sa Dubai, United Arab Emirates si Kris Bernal, kaya ilang araw na walang taping ang Impostora.

Pero dahil nakabalik na, nag-resume na rin kahapon ang taping ng Impostora sa isang beach sa Lian, Batangas.

Ayon sa isang kasama sa taping, maraming mga eksena sa beach si Kris kung saan ay naka-two-piece siya.

Hmph! Tiyak, iintrigahin na naman ng bashers si Kris at sasabihang sob­rang payat, huh!
Pero mukhang sanay na si Kris sa pamba-bash sa pagsusuot niya ng mga two-piece.

Manhid na siya!

Hindi na siya natu-trauma at kapag may mga ganoong eksena sa Impostora ay hindi siya tumatanggi, huh!

Nang tanungin namin ang katsikahan namin na nasa taping ng Impostora kahapon kung may mga eksena rin ba si Rafael Rosell na naka-swimming trunks, wala pa raw siyang nakikita na eksena ng aktor sa beach.

Maraming mga babae at mga bading na type na type na idini-display ni Rafael ang kanyang katawan.

Fit na fit kasi ang aktor dahil sa pagiging vegan niya.

Rafael Rossell
Rafael Rossell

***

Bumalik ng bansa si Paco Arespacochaga para sa The 90’s Live mamaya sa The Theater ng Solaire.

Parte noong 90’s ng Introvoys si Paco at nag-artista pa siya.

Naging kontrobersyal noong araw si Paco nang mabuntis niya si Geneva Cruz. Ngayon ay binatang-binata na ang anak nilang si Heaven.

Kahit hindi nagtagal ang relasyon nina Paco at Geneva noon, naging friends sila at OK na OK raw ngayon.

Ang madalas na pagbabalik sa bansa ni Paco ay raket lang daw niya dahil may regular job pa rin siya sa Los Angeles, California.

May mga pagkakataon na rumaraket pa rin sa Amerika si Paco at ang mga dati niyang kasamahan sa Introvoys.

***

“Character” talaga si Tita Annabelle Rama.

Noong Linggo kasi, almost midnight na ay nag-text pa si Bisaya sa amin at nagpapatawag.
Akala namin ay kung anong emergency na dahil almost midnight na ‘yon at gusto pa niya kaming makausap.

It turned out na nanonood siya ng Eddys awards ng SPEED.

“Mukhang na-edit ‘yung portion nina Chard (Richard Gutierrez) at Sarah (Lahbati). Best actor at best actress na kasi, wala pa rin ‘yung best supporting actor at best supporting actress category. Ano ba ‘yan, nag-abang pa naman kami ni Eduardo (Eddie Gutierrez)!” sey ni Bisaya.

“Tita, ano ka ba?! Sa first part ng awards night ‘yung best supporting actor at best supporting actress.

“Kanina pa nakapag-present sina Richard at Sarah. Hindi mo nga mapapanood kasi late ka na umuwi!” sagot naman namin.

Natawa na lang si Bisaya.

***

Kakaiba ang press launch noong Miyerkules ng NakakaLokal album ni Ogie Alcasid.
Isinabay kasi roon ang rehearsal ni Ogie with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Open rehearsal ang tawag ni Ogie sa ginawa nila.

After ng unang kanta niya, humingi pa ng paumahin sa press si Ogie dahil first time pa lang daw nilang mag-rehearse ‘yon.

Idea ng mga taga-Star Music na isabay na sa press launch ang open rehearsal nila ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra at OK lumabas ‘yon.

Sabi ni Ogie, kailangan na nilang isabay ang rehearsal sa press launch dahil mamayang 5:00 PM ay may mall show sila sa Robinsons Magnolia.

Very proud si Ogie sa kanyang NakakaLokal album dahil bukod sa first niya ‘yon sa Star Music, kakaibang collaboration din ‘yon with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Anyway, ‘yung mall show nila mamaya sa Robinsons Magnolia ay parang libreng concert na ‘yon dahil karamihan sa kakantahin ni Ogie ay kasama sa sampung tracks ng bago niyang album.