
Ang kukulit nina Rayver Cruz at Kris Bernal nang makausap namin sa taping ng ongoing drama series nila na Asawa Ko, Karibal Ko na napapanood sa GMA’s Afternoon Prime and Sabado Star Power sa Hapon. Para ngang hindi first time nilang magkatrabaho at parang dati na silang magkaibigan.
Ang nakakatuwa, very vocal si Kris sa kanyang crush kay Rayver noong bata pa siya.
Hanggang ngayon ba?
“Hindi, ngayon, wala na,” diretso niyang sabi.
Madali raw silang nagkagaanan talaga ng loob since day 1 dahil, ani Kris, madali raw pakisamahan si Rayver.
Ayon naman kay Rayver, hindi raw tulad ng ibang artista si Kris na kailangang mangapa ka pa.
“Nu’ng workshop pa lang, nu’ng unang araw pa lang ng workshop, ‘di pa kami nagwo-work, nakukulit-kulit ko na siya, eh. So, mas madali na pagdating sa set.
Nakunan na ang love scene nina Rayver at Kris sa serye kaya nakumusta ito sa kanila.
“Wala, puro kiss lang naman, just another love scene, wow!” sabi ni Kris sabay-tawa.
Sey naman ni Rayver, “siyempre, hindi naman pwedeng um-overboard dahil nasa TV tayo, pero maganda ‘yung eksena.”
When asked kung masarap bang humalik si Rayver, ang bilis ng sagot ni Kris.
“Oo,” sey ng aktres sabay-tawa habang parang kinilig naman si Rayver.
Pero paliwanag niya, “hindi kasi siyempre, ‘yung kiss naman kasi, gagawin mo talaga siyang parang totoong kiss. Na-in-love ka, eh, so siyempre, mararamdaman mo naman ‘yun.”
Agree naman si Rayver and said, “siyempre, lalabas sa acting ‘yun pag parang pinepeke. Mahal na mahal ko si Kris dito, eh.”
Pero kung sa galing humalik, ani Rayver ay mas magaling si Kris.
“Parang ang dami na niyang ganu’ng scenes,” sabay-tawa at nagkatawanan silang dalawa ni Kris.
Sagot naman ng aktres, “totoo naman.”
***
Bernal di kinaya ang pumping scene
Samantala, sa nasabing panayam ay nilinaw rin ni Kris ang tungkol sa talk of the town na malaswa niyang eksena sa isang indie (independent film) na may titulong Kontradiksyon.
Ang tsismis ay tinanggal ang nasabing eksena sa pelikula pero paglilinaw ni Kris, hindi niya ito talaga ginawa in the first place.
“Kasi, ayoko sa love scene kasi ‘yung may pumping, moaning. Bro, wag ganu’n. Hindi ko ginawa, hindi ko kaya,” sey ni Kris.
Action-drama raw ang movie at nilagyan lang daw ng ganu’ng scene. Pero, ani Kris, nang tanggapin niya ang movie ay wala naman daw sa usapan na may gagawin siyang ganito ka-daring na eksena.
Si Jake Cuenca ang kapareha ni Kris sa pelikula at intense naman din daw ang love scene na ginawa nila pero wala nga lang daw pumping scenes.
***
Devon todo iwas pag-usapan si Kiko
Kasama rin sa cast ng Asawa Ko, Karibal Ko si Devon Seron at natanong ng entertainment press ang young actress sa tunay na estado ng relasyon nila ni Kiko Estrada. Hindi pa niya maamin officially kung sila ba talaga although parang obvious naman base sa mga post ng aktor.
Ang masasabi lang niya ay masaya raw siya kapag kasama si Kiko. But hindi nga rin daw sila madalas nakakalabas bilang may mga trabaho rin sila.
Maraming nagsasabi na masuwerte si Devon kay Kiko dahil nga ang gwapo-gwapo nito at maraming nagkakagustong babae.
Pero sey ni Devon, masuwerte rin naman daw ang magiging dyowa niya.
“It’s a tie,” natatawa niyang sabi.
Bakit niya nasabing masuwerte si Kiko na maging GF siya?
“Ha? Hindi ko naman sinabi na si Kiko,” pag-iwas ni Devon.
Hahaha! Ang hirap hulihin!