Totoo kayang isang morning show daw muna ang gagawin ni Kris Aquino sa GMA 7 na ipu-produce ng APT Entertainment?

Ayon sa nakakalap naming kuwento, malapit na raw mag-announce ang APT kasama si Kris dahil ngayong buwan daw talaga ang target nila.

As of presstime, wala pa rin silang sinasabi o kinu-confirm.
Pawang haka-haka pa lang ito, pero mukhang may bahid ng katotohanan.

Abangan na lang natin!

***

PUSPUSAN na ang taping ng bagong drama series ng GMA 7 na Oh My Mama na maglulunsad kay Inah de Belen bilang bagong star ng Kapuso network.
Dati eh Inah Estrada ang young actress.

Naipaliwanag agad ni Janice de Belen na hindi na isyu sa kanila ni John Estrada na Inah de Belen na ito.

Nabigla noong una si John dahil dala ng anak nila ang apelyido ng Kapamilya actor.
Pero ngayon ay okay na raw si John.

“Sila naman ang nag-usap,” ­pakli ni Janice.
“I think, at first medyo he felt weird because hindi nga niya name. Pero okay naman na. Na-explain naman sa kanya and he understood.

“Hindi naman niya name ‘yun sa totoong buhay, screen name lang naman ‘to.
“Medyo nabigla lang siya nang konti. Pero na-explain na sa kanya, okay na.”

Hindi ito kagaya ng kay Julia Barretto na nagkaisyu sa pangalan. Walang balak si Janice na papalitan ang pangalan ng kanilang mga anak.

“I would never do that, because tatay siya ng mga bata,” bulalas ni Janice.
Nakatsikahan namin minsan si Gladys Reyes na kasama sa Oh My Mama at enjoy siya sa role niya rito.

Ang pagkakaalam namin, may pagka-comedy itong serye, kaya masaya lang sila sa set.

Sa kabilang banda, natanong na rin si Janice kung posibleng magsama sila ni Aga Muhlach sa isang project ngayong pareho na silang nasa ­Kapamilya network.

Hindi raw isyu na iyun sa aktres.
“Nasa kanya na ‘yun, ‘no?” natatawang sagot ni Janice. “Ako pa ba mag-aarte?

“Pero gusto pa ba niyang magdrama? Parang hindi naman, eh. Pero bakit naman hindi? Okay lang,” magkakasunod na pahayag ng aktres.

4 Responses