Blind item siya isang pakontrobersyal na portal. May pasaway na not so secret pink portal, mga larawan ni Digital Empress Kris Aquino at isang ehukitibo ng Dos .

Mahirap paniwalaan ang chikang bulag dahil pinapalabas rito na umano’y hindi lang bratinella, kundi ingrata raw si Kris . Ang kanilang alegasyon , how true na may mensahe itong sent to many at ang nilalaman nito, ang kanyang thoughts at damdamin tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN ?Ilang taon rin namang naging reyna si Krissy at hindi rin pwedeng itanggi na milyones na halaga rin ang naiakyat sa dating istasyong tunay na kapamilya ang trato sa kanya.

And of course, the ridiculous plot thickens dahil when the Digital Empress found out daw her pagkakamali, dali-dali raw nitong kinontak ang executive para magpaliwanag pero blocked ang number ni Aquino .Hindi umuubra ang kanyang nasa na makausap ito.

Sino naman kayang story teller para pausukin ang kabalbalang ito? Sana naman tumigil na ang ganitong mga imbentong kuwento dahil mas kilala nina Kris at ng executive ang isa’t-isa. At knowing how emotionally intelligent and spiritually sound ang mga ito, hinding-hindi maniniwala sa mga kwentong mula sa mga katkaterang walang magawa sa mga buhay nila.

Vaccine sa pisting veerus ang inyong gawing ambag sa lipunan hindi iyang mga chikang walang kapararakan, huh!

Hyun Bin pangsabong kina Bright, Win

Sure na may confidentiality clauses at advertising protocols na dapat masunod pero kung mismo si Manuel V. Pangilinan na mismo ang nag-anunsyo may magagawa pa ba tayo?

Inamin niya sa kanyang official Twitter na na si Hyun Bin ay brand ambassador ng kanyang telecommunications company. Dahil ditto, rejoice na and spread the word about the good news? Galing na sa may-ari ang impormasyon alangan namang magmaang-maangan school of acting pa silang lahat, di ba?

Boom na boom siyempre na they got Hyun Bin as an endorser at tiyak marami ang maglulundag sa kaligayahan dahil the possibility of him visiting Manila, is no longer a dream. Pag may vaccine na siguro makakadalaw na siya atin.

Nanalig rin naman ang inyong lingkod na ang telco giant, did not remiss on their corporate social responsibilities. Siyempre, kung afford nilang mag-splurge ng so many million wons para kay Bin, tiyak naman, they have also allocated billions of pesos para sa needs of their employees, frontliners and subscribers.

Sa iba na super sensitive about the situations we are all in because of the pandemic, iba ang dating on spending an exorbitant amount for the Korean actor. Of course, let us not point the gun agad-agad, hindi pa natin alam kung ano ang mga puwedeng gawin ni Hyun as the telco ambassador.

Malay mo, malay ko, malay nating lahat, may charity at fund raising activities siya para sa frontliners na gagawin and knowing how generous the actor is, he might donate heftily para sa post COVID-19 recovery efforts, hindi ba naman?

So, sa karibal na telco, ang suhestiyon ko lang para makabog niya ang stellar magnitude ni Hyun Bin, dapat i-double dare niyo ang stakes, hindi ba mas nakakapagdeliryo kung ang ang pangabog sa South Korean import ay ang most loved at super nakakakilig na love pair nina Bright Vachiwarit at Win Metawin? Naku, win na win at hindi magpapakabog ang Sarawat fandoms sa mga nagmamahal kay Hyun Bin. Magkakaalaman talaga kung kaninong products at services ang talagang gagalaw sa Philippine merkado and beyond.

Hyun Bin versus Bright and Win, why not Choc Nut?!

Ang bane lang sa kaganapang ito, hindi ba kahit paano, nakakalungkot na after so many years, we have not created an actor like Hyun Bin, or for that matter ang BL pair na sina Vachiwarit at Metawin? Hindi lang sa bansa nila sikat kundi sa ibang lupalop rin and major companies are willing to shell out a substantial amount of moolah just to hire them?

Kaya sa mga nagbibinyag ng kung ano-anong titles sa mga artistang natin na Asia’s this and that, yung totoo, ka-level man lang ba sila ni Hyun Bin or maari man lang bang pumantay kina Bright at Win?