Kris may patama sa kaaway: Mananalo ako!

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

May bidyo si Kris Aquino sa kanyang Instagram account na super amused ang diva that you love kasi she donned a black dress na parang may cape tapos parang tulle ‘yung lower part of it, sa true lang, gandang-ganda ako sa suot niya. Feeling ko kung may plus size version of it, keri kong isuot at bigyan ng hustisya. Hahahaha!

Panalo rin sa akin ang very pang-First Lady niyang hairdo at ang background music na may letrang ganire, “I pick my battles coz’ I know I’m going to win the war.” Bago pa marinig ang nasabing awit may mga salita na, “Irre­levant people always have the most to say.” Mababasa rin ang iba pang mga aria na, “Knowing when to walk away is wisdom. Being able to is courage. Walking away with your head held high is dignity” at sa patapos na bahagi nito, ang ending na pananalita ay “Nobody likes being played.”

Parang nasa isang yacht si Krissy sa video at may pinatatamaan.

Anyway, nagpapaga­ling ang Digital Empress because of a bad fall at sabi niya nga sa kanyang IG post niya, “Back next week…. Still physically healing. Opo, payapa ang katahimikan.”

Ang quiet phase na ito sa buhay ni Kris, walang duda na great for her physical and emotional health. Sana, sa kanyang estado sa kasulukuyan, mapanghawakan niya ang mga katotohanang God heals, love heals at she comes out from her cocoon recharged, revitalized, with fresher perspectives and appreciation sa lahat ng mga blessings niya.
Celebrity couple naghiwalay sa condom

Naloka naman ako sa isang blind item sa isang entertainment portal, huh! May isang pink group, na hindi lang pinangalanan, pinangalandakan pa ang larawan kung sino sa pakiwari nila ang mga bida sa nasabing bulag na chika.

Hindi ko alam kung dapat bang matakot na ang entertainment portal sa mga blind item na inila­lathala nila lalo na nga’t may mga matatapang na pink groups na pangmalakasang inihahayag ang kanilang mga hula.

Sinawalat kasi sa bulag na chika na kaya raw naghiwalay ang de-kolor at puti ng dating mag­sing-irog, ayaw na mag-condom ‘pag sila ay may sexual congress ng girl.

Dahil nga repeatedly umano ang pakiusap at paglalambing ni hombre, ang mujer, paulit-ulit sa pagtanggi kaya ayon, mas lumamig pa sa Arctic Sea ang kanilang relasyon at nauwi sa hiwalayan.

Sino nga kaya ang writers at impeachable sources nitong entertainment portal na ito at may ganito ka-creative na chika? ‘Di talaga pagsuot ng condom ang dahilan kaya may hiwalayan? Hahaha!

At sa mga pink group, paano kaya nila napag-one equals twenty four na ang ex-couple ang may coupling issue sa bulag na chika? Iba rin ang kalikutan ng mga imahinasyon niyo! Kaha­nga-hanga ang inyong pregnant thoughts, huh!

Maja, Bea nababaliw sa pag-ibig

Nakakatuwa lang na some of the best Kapamilya leading ladies are so freaking in love! Ang best examples, una ay si Maja Salvador na reunited and it feels so good sa kanyang ex, na present boyfriend niya na muli, si Rambo Nuñez.

Ang pangalawa, ang “Eerie” lead actress na si Bea Alonzo who was not able to contain her feeling para kay Gerald ­Anderson.

Si Salvador, na kung dati ay hindi nakikita ang sarili na makipagkaibigan sa isang dating minamahal, ibang-iba ang pananaw sa kasalukuyan. Ang love is lovelier the second time around ay buhay na patotoo para sa kanilang dalawa ni Rambo.

Sabi niya nga sa isang pahayag, ang kanyang pagiging “bata” at “emotional immaturity” ang rason kaya hindi nag-work out ang relasyon nila dati ni Rambo.

It seems pareho silang in a better place emotionally kaya nangyari na they are back in each other’s embrace.

Si Alonzo naman, may recollection sa panahon at pagkakataon na una niyang naramdaman at siguradong mahal niya na talaga si Anderson.

Kamakailan, ang binatang makisig ay nagka­arawan at may makabagbag damdaming mensahe ang future Mrs. Gerald Anderson para sa kanyang iniirog.

Indeed, in these very trying times, what the world needs now, is love, sweet love. Sina Maja at Bea ay magagandang ehemplo na ang romansa at pagmamahal ay talaga namang lalong nagpa­patingkad sa buhay nating lahat.