Kris, nag-alsa balutan na

Kris Aquino

WALA pa ring opis­yal na pahayag si Kris Aquino sa kumalat na balita na lumipat na siya sa GMA 7 (sa pamamagitan ng APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera).

Pero noong Miyerkules, nag-alsa-balutan na si Kris sa bahay nila sa Greenmeadows, Quezon­ City.

Nakapangako raw siya sa bumili no’n na ite-turn-over na niya ang bahay ngayong Set­yembre.

Ayaw ni Kris na paki­usapan pa ang bumili na mag-extend sila dahil hindi pa tapos ang ipinagagawa niyang bagong bahay.

So, balik uli si Kris at mga anak niyang sina Josh at Bimby sa pagtira sa isang condomi­nium unit.

She’s hoping na makakapag-Christmas na sila sa ipinagagawa niyang bahay na karamihan daw sa mga gamit ay binili ni Kris sa iba’t ibang bansa kapag nagta-travel siya.

‘Yung pagsi-shift ng mga gamit na binibili niya abroad ay walang problema dahil tinutulungan siya ng mga taga-LBC na isa sa endorsements niya.

Pati noong maghakot siya ng ibang mga gamit sa Greenmeadows, hindi rin nahirapan si Kris dahil tumulong din sa kanya ang mga taga-LBC, huh!

Teka! Sa bagong management team niya (at TV network na rin), kailan naman kaya magkakaroon ng announcement si Kris?

Eh may mga tsika na sa first anniversary celebration (Setyembre 4 at 11) ng Sunday PinaSaya ay mag-a-appear daw si Kris dahil prodyus ‘yon ng APT Entertainmenti for GMA 7, ‘no?!

***

Hindi ikinukuwento nina Ai Ai de las Alas at Marian Rivera, dalawa sa main hosts ng Sunday PinaSaya, ang mga mangyayari sa dalawang Linggo­ na magse-celebrate sila ng first anniversary.

Pero kapwa nila sinasabi na bilib sila sa ideas ng creative staff.

Mismong sina Ai Ai at Marian daw ay nagugulat sa mga inihahanda ng kanilang creative staff para i-celebrate ang first anniversary ng Sunday PinaSaya.

***

May kanya-kanyang team pala ang mga taga-ASAP para sa kanilang New York City show.

Nagkukuha sila around New York na siyang isasama nila sa ASAP New York episodes nila na ipapalabas sa ABS-CBN sa Set­yembre 11 at 18.

Iyung episode raw nila sa Linggo­ ay taped na.

Kung saan-saang landmarks sa New York City bumibisita ang iba’t ibang ASAP teams, kaya napakarami nilang nakukunang mga lugar.

At kahit work pa rin ‘yon, sobrang enjoy sila dahil sobrang bonding na rin.

‘Yung iba sa kanila, isinisingit ang pagsa-shopping.

Anyway, SOLD OUT ang ASAP New York at wala nang mabiling ­tickets para roon.

May mga nagsabi na dapat eh two days ang ASAP New York dahil marami pang gustong makapanood no’n.

Ang una raw na na-sold-out ay ‘yung VIP tickets, kaya tuwang-tuwa ang lahat ng mga kasama sa show.