Masayang ibinalita ni Kris Aquino sa kanyang Instagram (@krisaquino) na na-discharge na siya sa Farrer Park Hospital sa Singapore matapos ang successful niyang medical tests at operation.
Ayon sa IG post ni Kris: “i was discharged with a detailed diagnostic report and i look positively towards the future because now we know what i need to do (my medication, treatments, monitoring, wellness activities, and the complete avoidance of what causes my most severe allergic reactions) for my physical & emotional well-being.”
Pinasalamatan niya ang kanyang mga doktor, gayundin very proud siya sa Pinoy nurses and medical team na umasikaso sa kanya sa naturang ospital sa Singapore. Aniya, “Again i want to thank my doctors, Dr YK Cheng (my lead doctor- allergy, rheumatoid, and immunology specialist, he has been so reassuring and i thank@ging.md for introducing me to him) who was tireless in putting together a team of experts: Dr. Tan (endocrinologist), Dr. Kwok (cardiologist), Dr. Pang (ob gynecologist, Dr. Chew (surgeon), and Dr. Yeo (anesthesiologist/pain management specialist). i had a positive & secure experience at Farrer Park Hospital because i was treated with respectful care by all the Philippine nurses and hospital staff. i am 100% convinced that what truly sets the Philippines apart is our people: dedicated, hardworking, kindhearted, and compassionate. Seeing how highly regarded Filipinos are in the medical profession worldwide- super nakaka PROUD talaga maging Filipino dahil tayo ang pinagkakatiwalaan para sa pinaka mahalagang bahagi ng buhay- ang kalusugan.”
Samantala, sa huling panayam namin kay Kris, wala na talagang pag-asa ang nali-link sa kanya na si Atty. Gideon Peña?
“He’s so young. OMG!” pakli ng TV host-actress.
Kaibigan lang daw talaga ang turing niya kay Atty. Gideon, na nakasama nila sa pagbabakasyon sa Japan noong Pasko at Bagong Taon.
Tinanong namin kasi si Kris kung naramdaman niya ba ang pagiging mighty warrior (IG name) ni Atty. Gideon nu’ng magkasama sila sa Japan.
“Ewan ko, sinungitan na niya ko,” pabirong sambit ni Kris.
“Hindi naman. Kasi napagalitan siya nina RB (Chanco). Kasi meron akong nakitang friend doon na ayokong pangalanan baka maintriga pa, sa industriya pero hindi actor, basta. Niyaya lang nila ako, him and his wife para magmeryenda. E hindi ako nag-text to anybody, so lahat sila (KCA Team) pinapagalitan siya (Gideon), tinalakan nila na, ‘Bakit mo hinayaang mag-isa, baka mawala?’ E doon lang naman ako sa lobby ng hotel, nagtsaa lang ako.
Tapos siguro feeling niya, ‘Sa edad niyang ‘yan, mawawala pa ‘yan?’ Siguro hindi naman siya sa akin naasar, napikon sa kanilang lahat sa kakulitan nila. Kasi nga lahat sila walang ginawa kundi i-text siya, ‘Kumain ba? Okay ba?’ Siguro sabi niya, ‘lawyer ako, hindi ako doktor, ano ba ‘yan!’ Tapos mayroon siyang mga listahan at picture ng mga gamot na kailangang ipainom at this time, so siguro na-annoy na siya sa buhay niya.”