Kris nakalaya na sa Puerto Galera

Matapos mag-stay si Kris Aquino sa Puerto Galera nu’ng quarantine, nakauwi na siya sa kanyang tahanan sa Metro Manila . Na-lockdown din sila nang halos tatlong buwan na mag-iina sa nasabing lugar.

Post niya sa kanyang Instagram account, “We got all our clearances & permits, now we’re ready for the 1st part of our journey HOME! Just in time for kuya’s birthday tomorrow.”

“It’s been almost 3 months but everyone at Sunset & the Puerto Galera LGU really made us feel welcome,” dagdag pa nito.

Matatandaan na habang nasa Puerto Galera, hindi kinalimutan ni Aquino na magbigay tulong sa mga residente ng probinsya. (JAT)