ANG pag-pose ni Kris Bernal sa FHM ay hudyat na rin na handa na siyang magpaka-daring sa mga susunod na projects.

Ani Kris, “I wanted to do something not really daring pero something that would match my age as 28 y/o woman.

“Ang isang 28 y/o, alam mo ‘yun, ang iba, may pamil­ya na. Iyung iba, getting married na.

“So, parang gusto ko ring makita nila na puwede rin si Kris sa roles na ganito, na puwedeng maging kabit, puwedeng kontrabida.

“Kasi, parang nali­limitahan ako du’n sa dati akong bata, eh. Pag matagal din, nakaka-bore na din, eh. Paulit-ulit, eh.”

Dito sa Impostora, kailangan daw talaga sa isang karakter na ginagampanan niya na medyo aggressive pagdating sa love scene. Pero sa TV kasi iyun na limitado.

Naloka lang siya, pagkatapos niyang lumabas sa May issue ng FHM, may mga nag-alok sa kanya ng indie film na may pagka-daring na hindi pa niya kaya.

“Hindi ko pa kaya, eh. Kasi, tala­gang may showing na ng mga boobs. ‘Yung kahit may love scenes na rin, talagang may moaning. Iyun talaga, hindi ko kaya,” pakli ni Kris.

Okay magpakita ng konting cleavage at may love scenes, pero huwag humalinghing.

“Yung ibang theme ‘yung binibigay nila sa akin, talagang naka-focus du’n sa love scenes.

“Okay lang ‘yung love scenes pero awkward lang talaga ako sa ganu’n,” sabi pa ng bida ng Impostora.

Ibang-iba na siya sa Impostora dahil may mga naka-swimsuit na siya at love scenes nila ni Rafael Rossel.