NALOKAH si Manay Lolit Solis na ang dami ng pumik-up at nag-react sa playtime niya kay Kris Aquino nang magninang sila sa kasal nina Cong. Alfred Vargas at Yasmine Espiritu nu’ng Linggo.
Lumaki ito nang ipinost ni Manay Lolit sa Instagram kung paano niya pinaglaruan si Kris sa naturang kasal na ikinalokah niya dahil hindi man lang ito napikon.
https://www.instagram.com/p/BW6VbE3D9-r/?taken-by=akosilolitsolis
May isang netizen na nag-react at inalipusta nang matindi si Manay Lolit na sinabi nitong kesyo hindi siya nababagay sa ganung pagtitipon na para lang daw sa mga edukado.
Ipinost ni Manay Lolit sa IG ang reaksyon niya at mapagkumbabang sinabing naintindihan niya kung nag-react nang ganu’n ang isang avid fan ni Kris.
“Alam ko naman kung saan ko ilagay at porke nakakasama ako sa mga matataas at mayayamang tao, inilalagay ko na sa isip ko na kapantay ko na sila, hindi po.
“Siguro they accept me for what I am, but I know I will never belong. Alam ko po na sa mahirap na lugar sa Sampaloc ako lumaki at nag-aral sa Moises Salvador ElementarySchool at V. Mapa High School.
“Mahirap ang mga magulang ko at lumaking mahirap pero siguro nakakatikim na ng masarap ngayon sa may mga nasa itaas ng lipunan na mahal ako gaya ng mga Vera Perez, Monteverde, Villar at iba pa na naging mabait sa akin pero hindi po ako lumagpas sa linya.
“Alam naman siguro ni Kris Aquino tanggapin ang biro ko sa kanya dahil there was a time na dalawang beses ko siya ni-represent, huwag nang sabihin manager kundi agent at hanggang ngayon hindi ko makakalimutan na Lolit kung tawagin ako ni Presidente Cory Aquino.
“At ngayon nga, sabi niya, puwede ko handle ang TV career niya.”
Sabi ni Manay Lolit, hindi siya napipikon sa masasakit na sinabing iyon nitong follower.
Mas marami siyang dapat ipagpasalamat kesa magalit sa komentong iyun.
Marami ang nagtanggol kay Manay Lolit at sinasabing lalo nila itong minahal.
Nakatikim din ng katakut-takot na pang-aalipusta itong nam-bash na hindi man lang daw iginalang si Manay Lolit, na hindi na nababagay ganunin ang isang 70 y/o lady.
***
Nanahimik na itong basher, at sa halip mas marami ang natuwa lalo na’t may ipinost si Manay Lolit kahapon tungkol kay Kris.
Grabe na raw ang side story sa sandaling pagtatagpo nila ni Kris at sabi pa niya, tila may ‘force’ yata na hindi sila paglapitin.
Dagdag niyang pahayag sa naturang post, “Kasi nga, pareho kami pilya at maldita kaya di siguro kami puwede together. Bongga.
“Sayang ang allowance, di ko na makukuha.”
Dito pinuri niya si Kris na noon pa man ay kilala niya itong walang mean bone sa katawan.
Sabi niya, “In fairness, totoo ‘yung comment ni Kris na never siyang naging bastos sa akin kahit panay kalokahan ang ginagawa ko sa kanya hahaha at na-experience ko rin iyon peace be with you pero nakatingin siya sa itaas.”
Marami pa siyang puwedeng i-post ng mga kuwento nila noon ni Kris, kagaya ni Mother Lily na napaka-colorful din ng karakter sa showbiz.
Ni-like ni Kris ang post na iyun.
So far, wala kaming nakitang sagot niya sa komentong iyon ni Manay Lolit.
Marami ang natuwa sa post na iyon at nag-comment ang karamihan na sana magkaroon sila ng talk show ni Kris na mukhang type ng Queen of All Media.
Kahapon ay nakatanggap ako ng text message mula kay Kris na meron siyang gustong iparating na mensahe para kay Manay Lolit.
Sabi niya sa akin, “I saw in IG that Nay Lolit got affected by the mean comment of 1 of my ‘fans’ — sorry pero feeling ko talaga gusto lang nun gumawa ng gulo kasi kung true fan ko matutuwa na she had said I looked good & sa posts niya she wasn’t mean to me…”
Dagdag niyang pahayag na gustong iparating sa dating manager at nanay-nanayan, “So many times naman over 20 years pinagtripan nya ko pero di ba hindi ako nagpapapikon because she was good to me when I needed it most & hindi ko yan kinalimutan.
“I hope mapaabot mo that I want to remain friendly & peaceful.”
Kaagad naming ipinarating kay Manay Lolit at natatawa na lang ito.
Gusto lang daw niyang iparating kay Kris na hindi talaga siya affected sa mga bashing na iyun.
Baka mas affected pa siya kung hindi itutuloy ni Kris ang promise na magbibigay ito ng allowance kahit daily pa.
“Sabihin mo sa kanya, kahit weekly allowance lang, happy na ako,” sabi niya sa akin.
Kaagad namang ipinarating ko ito kay Kris na sinagot naman niyang kapag matanggap niya ang full payment ng isang project, magpapadala siya ng balato sa dating nanay-nanayan niya.
Mukhang matutuloy ang naipangakong allowance, pero ‘yung wish ng netizens na sana magkaroon sila ng talk show, malabo dahil ayaw raw talaga ni Manay Lolit sakaling may mag-alok ng ganung TV show.
Ayaw na raw niyang magulo ang buhay niya at pagsubaybay sa mga paborito niyang stars ng mga Koreanovela.