Hindi uurong ang mga abogado ni Kris Aquino sa na-dismiss na qualified theft case sa Makati Prose­cutor’s Office kontra sa dating business manager nito na si Nicko Falcis.

Una ay kinuwestiyon ng Fortun Narvasa & Salazar, ang legal body ni Kris, ang pagkakatanggap ng isang showbiz website sa kopya ng resolusyon bago pa man ito makarating sa kanila kahit pa patuloy ang pangungulit ng abogado ng kanilang kliyente para sa nasabing dokumento.

Maghahain din aniya ang kampo ni Kris ng motion for reconsideration para baligtarin ang dismissal ng kaso na nabasura sa kadahilanang ‘no sufficient evidence’ umano ang nasabing reklamo ng ‘Queen of All Media’.

Ayon sa statement, pinabulaanan nito ang naging dahilan ng korte para ibasura ang kasong pagnanakaw dahil nakapangalan umano kay Falcis ang nasabing credit card na mula sa Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP). Wala umanong go signal mula kay Kris na gumastos si Nicko para sa personal na pakinabang.

“The credit card in question was clearly owned by KCA Productions, not respondent Mr. Nicko Falvis as it was plainly embossed on the card. Mr. Falcis’ name was simply put there to show he was authorized to use it for Ms. Aquino, but not for his personal transactions,” giit ng legal counsel.

“Mr. Falcis admitted in his messages to Ms. Aquino that what he did in using the card for personal transactions was wrong. He also tried to pay part of it by using his own check to cover the cost of his personal purchases. His admissions to wrongdoing were all submitted in evidence to the prosecutor whomay have glossed over those,” dagdag pa.

Hindi rin umano dapat tinanggap ng korte ang ‘verified omnibus motion’ ni Falcis dahil hindi ito dumalo sa hea­ring ng korte maging ang pagsasampa ng counter-affidavit kontra sa qualified theft case.

Bukod sa kaso sa Makati, may iba pang nakabinbin na mga reklamo ukol sa pagnanakaw umano ni Falcis ng P1.270M sa anim pang lungsod. Ito ay sa San Juan, Mandalu­yong, Pasig, Quezon City, Taguig at Manila.