MARAMI ang excited sa mga pagbabagong magaganap sa Wowowin, ang late afternoon game show ni Willie Revillame na co-produced niya with GMA 7.

Sa inis nga kasi ni Willie, tsinugi na niya ang mga co-host niya sa Wowowin.

Eh, hanggang last week lang sila nag-taping at pagbalik daw nila, iba na ang mga makakasama ni Willie.

Ang matitira lang daw ay si Ariella Arida at mukhang totoo naman ‘yon dahil nang magyaya si Willie kay Ruffa at ang mga anak nito na sina Lorin at Venice, pati sa boyfriend nito na si Jordan Mouyal, sa bahay niya sa Tagaytay, aba, kasama rin doon si Ariella, huh!

Sa mga co-host daw kasi ni Willie, si Ariella lang daw ang takot mag-absent sa Wowowin.

Kapag may important events daw ang beauty queen turned TV host, maayos siyang nagpapaalam kay Willie bago niya tanggapin ang mga offer na ‘yon.

Hindi raw basta-basta uma-absent si Ariella sa taping ng Wowowin, kaya stay pa rin ang beauty niya sa show.

Pero ang matinding tanong nga pala ngayon ng sambayanan tungkol sa balitang pagbabago sa Wowowin ay kung makakasama na nga ba talaga rito si Kris Aquino? May special segment nga ba talaga si Kris sa Wowowin?

At kung pinayagan nga ba ‘yon ng GMA 7 management?

Noon pa sinasabi ni Willie na nilalakad niya sa GMA 7 management na makabalik sa telebisyon si Kris at mukhang ibang show ‘yon, pero marami ang nagdududa na baka sa Wowowin muna niya ilalagay ang dating reyna ng ABS-CBN. But for now, sabi nga, abangan na lang ang susunod na kabanata!