NGAYONG it is really a done deal at in the bag na ang pagiging Kapuso ni Kris Aquino, ang pinakamainam na attitude na i-employ eh wait and see.

Matalino si Aquino. At sure akong ang kanyang mga paliwanag na ibinandera niya sa IG must be taken with a grain of salt.

Sa iba’t ibang entertainment portal threads, nagbubunyi ang mga nilalang na tila muhing-muhi kay Tetay.

Para sa kanila, end of days ang desisyon ni Krissy na from reigning supremely as the queen of talk sa totoong number one network to not knowing what to expect sa pretender to the number one network throne.

Ang mga hanash, kuda at talakitok tungkol sa kanyang pagiging ka-Siyete is proof na she is still a game changer.

Kung Aquino is just one of those istarletitas na lilipat, paki ba nating lahat at pwede natin siyang i-dismiss na the WHO and girl, you are so welcome sa league of extra ordinary has beens.

Kris Aquino is Kris Aquino, at tiyak, marami siyang bag of tricks that will endear her sa Kapuso loyalists at fanatics.

Hindi pa natin alam kung anu-ano ba ang dramarama of her shows. Magkakaalaman sa tamang panahon.

Should we welcome her with open arms as an APT talent and Kapuso comebacking starlet?

Why not, Choc Nut! Mas bongga na ka-Siyete na siya. Sure akong her presence will bring a great ball of fire, energy and zest sa network na #1 tuwing daytime.

***

Anu-ano ba ang dala ni Kris sa Kapuso?

Siempre, her name. She earned her rightful place in Tinseltown at alam nating lahat na she has a polarizing effect.

You love her or you hate her, take her or leave her.

Pangalawa, her locquaciousness and wit. Umasa na tayo sa mga sound bites at nakakalokang mga statements.

Pangatlo, her trademark laughter at hopefully, mabawasan na ang I, Me, Myself center of the universe manner of interviewing.

Sa Siyete, nawa’y she learns a lot from observing how Jessica Soho conducts an interview.

‘Yung subject dapat ang bida, Kris, hindi ikaw. At lalong dapat hindi isasali ang portions of your life sa chikahan na eventually, ikaw na naman ang bida at hindi na ‘yung subject mo.

Pang-apat, her fashion sense at affluent taste. Bongga lagi ang outfits ni Aquino. Easy as one, two, three for her to be the center of it all, kasi, under the astrological sign of Aquarius si Tetay. Alam niya ang mga bonggang-bonggang paandar at payanig at lalong alam niya how to push the buttons para sa kanyang advantage.

Panlima, may ilang personahe sa GMA 7 na pang-headline bukas, ngayon ang broadcast if she reaches out to them. Halimbawa, si Manay Lolit Solis na kahit pa sinasabi na there is no mean bone in Aquino’s body, eh tila may love you, hate you relationship silang dalawa.

Ang most influential actress of the year at one time, big time friendship niyang si Ai Ai de las Alas, it will be a wonderful moment na makita silang sinsero at tunay na magkabati na.

Pasabog din tiyak how she will relate at be friends and genuinely bond with her kapwa APT talents na sina Marian Rivera-Dantes at Maine Mendoza.

Pangabog din ang finally paghaharap nila ni Barbie Forteza as Kissy Anino sa Star Buzz ng Sunday PINASaya.

At kung from time to time eh mapapanood siya sa Eat Bulaga, ay! Knowing her charm offensive, the dabarkads pati na ang AlDub nation will love, love, love her.

***

For all her real and imagined faults, ang masang Pinoy, laging pinapatawad at niyayakap si Kris.

Sa tingin of the karamihan, specially sa mga nanay at lola, si Aquino ay para na nilang anak at apo.

She literally grew up sa telebisyon at alam nila na inside this seeming bratinella and poster girl of kiyeme latik, is a little girl na ang kailangan lang eh tender loving care at guidance na tama. Para siyang distant adoptive at favorite daughter, pamangkin at apo of every household and she knows how to endear herself sa kanyang adoring public.

Is it a boom or bust ba ang pagiging Kapuso ni Kris?

Too early to tell. Ang proof of the pudding is always in the eating.

If she and her team does give one hell of a great show kung saan it screams ‘reinvention’ and ‘relevance’ ay walang dudang the magic is still with Aquino.

And at the rate things are going, mukhang the pixie dusts are still with her at gagamitin niya ito judiciously.

10 Responses

  1. Daming naiinggit kay KRIS,,bakit kayo maiinggit mga baklitas,at baklitos<<,May gingawa bang masama sa inyo si KRIS mga bading at tomboys,,,pati mga babaeng walang ginagawa sa buhay galit kay Kris kasi sa inngit,mga inngitera manahimik na kayo asikasuhin ninyo pamilya ninyo,,,,

  2. heheh mukhang galit kay kris aquino ang nagsulat, anyway hindi kukunin ng GMA si Kris kung walang silbi di bah …. inggit much yung iba dyan hindi naman sila inaano no kris

  3. hay naku wag lng silang magkamali n ilagay si krissy sa EB at baka hindi na umabot ang EB s 40th anniv nito sa 2019. aldub fan ako pero kung isasali si tetay sa alinmang project ng aldub, i’ll never support it