KRIS, QUEEN OF SOCIAL MEDIA NA LANG BA?

kris aquino

TANONG ng marami, sapat na ba ang online efforts lang para sa minsan nang tinaguriang Queen Of All Media?

So, from Queen of All Media… Queen of Social Media na lang muna si Kris Aquino?

***

Who knows  in no time, mabago ulit ang ihip ng panahon.

Is it still possible that Kris embraces uncertainty and go back to the negotiating table sa Kapamilya network?

O baka naman tuluyan nang makapag-deal si Kris at ang GMA 7? O baka kahit sa TV5 pa nga eh.

Definitely, bawal siyang dilawan sa PTV 4.

***

First time pala na mag-skimpy trunks ni Dennis Trillo sa pelikula nila nina Anne Curtis at Paolo Ballesteros na “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend.”

Pero kahit may ganung eksena, rated PG pa rin ang pelikula.

***

Kulang sa desirability factor si Julie Anne San Jose sa nakita naming pictorial ng bagong soap opera nila ni Benjamin Alves. Kahit gaano kagaling ang isang artista, kailangan pa ring maging appealing ang dating nito sa tao.

Kailangan pang ma-imbibe ito ni Julie Anne.

***

Wagi sa takilya ng North America last weekend (October 14- 16) ang bagong bukas na crime thriller ni Ben Affleck na “The Accountant” ($24.7M).

Pumangalawa ang “The Girl on the Train” ($12.2M), na naka-$46.8M sa dalawang weekend.

Pangatlo ang bagong bukas na new comedy concert na “Kevin Hart: What Now?” ($11,8M).

Pang-apat ang “Miss Peregrine’s Home for Peculiar Children”

($9M), na naka-$65.9M sa tatlong weekend.

***

Ididiin muli ni Scarlet (Katrina Halili) si Ysabel (Yasmien Kurdi) sa isa pang krimen na hindi nito ginawa sa afternoon drama series na Sa Piling ni Nanay ng GMA 7.

Patuloy na pinapaikot ng hitad na si Scarlet ang mga bida pati na mga pulis.
Ano ba ang silbi ni Jonas (Mark Herras)?

***

Mamayang 9:00 PM na ang simula ng PRE-REGISTRATION para sa Halloween festival parade na “Takutan sa Burgos (Year XI)” na gaganapin sa Sabado night.

Sa Moulin Rouge sa may P. Burgos St., Brgy. Poblacion, Makati City ang pre-registration.

Tatlong gabi ang pre-registration para sa mga lalahok sa Halloween costume contest, na pawang 9:00 PM ang simula.

Ang programa ay ididirek ni Lui Silvestre. Assistant directors sina Juancho Babiera, Michael Teodoro at Joemarie Bonifacio.

Para sa mga detalye, mag-text sa cell# 0995-013-3603, o tumawag sa landline 513-7257.

***

Pasabog ang b-day show ni Gellie Imperial mamayang 10:00 PM sa White Bird, Roxas Blvd., Baclaran (malapit sa simbahan).

May special participation ang  WB managers na sina Amor, Mischa, Karla at Matet.
Divakla ang peg!

For reservation and inquiries, makipag-alam sa cell# 0921-557-1113. ()