Kris at Rafael, magpapakilig sa Calasiao

Rafael Rosell at Kris Bernal

Panggulat ang akting ni Kris Bernal sa Impostora. Wala nang bakas ng teeny-bopper roles niya dati.

Pruweba rin ng pag-level up ni Kris ay mas maraming viewers ang tumatangkilik sa kanya bilang sina Nimfa at Rosette.

Bilib ang viewers sa kanya sa pagganap ng dual role.
Mabilis siyang mag-shift ng emotion.

Bongga ang chemistry nila ng leading man na si Rafael Rosell.

Sey ni Kris sa Instagram, “It’s easier to work with a partner who can motivate me especially during heavy scenes.

“He can also motivate me during real life situations and I can confide with him.
“I even get to have an instant good looking boy-friend for kicks! Hihi!”

Magpapakilig sina Kris at Rafael sa Kapuso mall show mamayang 5:00 PM sa Robinsons Calasiao sa Pangasinan.

Kasama nila rito si Vaness del Moral.

***

Mapapanood sa unang pagkakataon ang tambalang MarNigo (Maris Racal at Iñigo Pascual) ngayong gabi sa kanilang pagganap bilang campus sweethearts na hahamunin ng distansya ang relasyon sa MMK.

Itinuring na ‘love team’ sa eskuwela ang magkaklaseng sina Allan (Iñigo) at Lou Ann (Maris).

Nagsimula ang lahat sa tuksuhan at awayan na kalauna’y nauwi sa pagkakamabutihan.
Maayos ang relasyon ng dalawa hanggang sa sila ay nagkolehiyo.

Ang pagmamahalan nina Allan at Lou Ann ay hinamon nang umalis papuntang Dubai ang binata.

Makayanan kaya ng dalawa ang LDR (long distance relationship)?

***

May all-male bikini open na naman mamayang 11:30 PM sa One 690 (39 Roces Av., QC), ang Man of the Millennials.

Pasiklaban dito ang bikini boys ni Mama Erika.

***

NAGBABALIK sina Jason Abalos at Empress Schuck sa Ipaglaban Mo ngayong Sabado nang hapon, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

Bibigyang-buhay nila ang kuwento ng mag-asawang maninindigan para sa hustisya matapos mamatay ang kanilang anak dahil sa kagat ng aso ng kanilang kapitbahay.

***

Mamayang 7:00 PM ang JaDine Live in Pampanga sa The Park at Nepo Center, Angeles City.

Ang halaga ng tiket ay P1,700 (Moshpit), P1,170 (VIP), P750 (Gold) at P320 (Silver).

***

Nalalapit na ang pag-uumpisa ng musical game show ng GMA na All-Star Videoke.

Kakaibang kantahan na may tawanan ito lalo pa’t hosted ito nina Solenn Heussaff at Betong Sumaya.

Aminado si Betong na hindi nawawala ang kaba sa kanya ngayong nalalapit na ang pag-ere nito kaya nais sana niyang makausap si Allan K para humingi ng advice.

“Gusto kong humingi ng payo kung ano ba ang dapat naming atake ni Solenn dito, kasi syempre, siya ‘yung dating nag-host ng ganitong klaseng show,” sambit ni Betong.