Kris-Rafael, sing-init ng SIZZLING SISIG!

Rafael Rosell at Kris Bernal

KUNG pagbabasehan ang posts ni Kris Bernal sa Instagram, masasabing uwian na! May nanalo na!

Sizzling hot ang katawang-lupa nila ng kanyang katambal sa teleser­yeng Impostora na si Rafael Rosell.

Sey pa ni Kris, “My labtim is as hot as a sizzling plate of sisig! Haha! Today’s taping of #Impostora are mostly under the scorching heat of the sun! Leggo! Masakit at mahapdi sa balat! Huhubels! #TiisGanda #HotLabtim #Hustisya”

Nabighani ang netizens sa katas ng kanilang disiplina at pag-aalaga sa katawan.

May nagsabi pa na #SummerBodGoals ang dalawa!