Kris rumaket ng P20K

NI: ROLDAN CASTRO

Dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine ng gobyerno, ilan sa mga pampalipas-oras ng mga netizen ngayon ay ang panonood ng vlogs ng mga sikat na vloggers maging celebrities.

Isa si Kris Bernal sa mga celebrity na may growing YouTube channel with over 200k subscribers.

Sa kanyang recent vlog, ibinida ni Kris ang kanyang Silver Play Button na natanggap n mula mismo sa YouTube bilang pagkilala sa channel nito na lumagpas na ng 100k subscribers.

At dahil matunog ngayon ang paggamit ng social media bilang source of income, ibinahagi ni Kris ang kanyang unang sweldo sa YouTube na umabot daw ng $400 o ‎₱20,000.
“So ‘yung first income ko, dinonate ko siya sa iba’t ibang animal welfare organizations kasi mahilig nga ako sa aso and may alagang akong pusa,” ani ni Kris .
Nagpasalamat din siya sa mga subscribers niya na hindi nag-skip ng ads.
Bukod sa pagtulong sa mga animals, gusto rin niyang bigyan ng trabaho ang mga freelancer editor.
“To video editors out there who want to work with me, feel free to send me an email with your sample works attached. Glad to be of help to freelancers during this challenging time,” dagdag pa ng aktres.