HAVEY: Simula na naman ng pagpaplano at pag-aayos ng logistics para sa nalalapit na Kapaskuhan lalo na sa mga networks.

Taun-taon na lang may bagong konsepto, kanta at malawakang pagtitipon para sa mga artista ng mga iba’t ibang network.

Dito, ipagwawagaywayan ang mga achievements ng mga Pinoy at ng iba’t ibang networks.

Kung noong isang taon, si Alden Richards ang banner artist ng GMA7 na kumanta ng theme song ng GMA7, KathNiel, LizQuen at JaDine naman ang sa ABS-CBN.

Ngayong taon, sino naman kaya ang mapipiling kakanta – o pareho pa rin kaya?

Ngayon pa lang, meron nang mga nalagas na mga artista at meron na ring nadagdag.

Dahil wala ng Startalk, mami-miss namin ang mga beteranong hosts nito. Naka-20 years din sila. Si Aljur Abrenica ba ay isasali na ngayon sa station ID?

Si Sarah Geronimo, Judy Ann Santos at Sharon Cuneta ay magsasama-sama na ba sa wakas? Magandang makita si Aga Muhlach at Richard Gomez na heartthrob ng panahon nila na nagbabalik Kapamil­ya. Pati si Sandara Park na Korean international star ay balik-Kapamilya rin.

Siyempre, dahil banner year ng MMK at ng Ang Babaeng Humayo, si Ma’am Charo Santos-Concio ang dapat lang maging prominent figure sa Kapamilya Christmas Station ID.

Sa GMA7 naman, nandyan siyempre ang Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose kasama ng mga male newsmakers na sina Willie Revillame, Alden Richards, Dingdong Dantes, Dennis Trillo at Ken Chan?  At manggugulat ba si Kris Aquino at lalabas na siya sa GMA Station ID?

Abangan!

Rachelle Ann, nasayangan at ‘di maka-commit sa GMA Christmas special

WALEY: Nang makausap namin si Rachelle Ann Go sa London, excited siya talagang mag-Pasko sa ‘Pinas pagkatapos ng kontrata niya sa Les Miserables by November.

Nabanggit niya sa amin na flatterred siya sa offer ng GMA7 na bigyan siya ng sarili niyang Christmas Special (which she truly deserves); pero hindi pa rin siya sigurado kung makakaya ng schedule niya ito dahil magpapabalik-balik siya sa London sa kanyang bakasyon dahil naka-on-call siya kay Cameron Makintosh para sa isang mahalagang project.

Excited kami sa bagong project na ito ni Shin, pati na ang pagbo-Broadway niya via Miss Saigon.

Habang nandito sa Pilipinas, planong mag-house warming ni Shin sa bago nitong bahay na ipinatayo para sa kanyang pamilya. Sa wakas, may panahon na siyang harapin ang furnishing at finishing touches niya in time for Christmas.

By Christmas kaya, makikilala o mami-meet na ba ni Shin ang kanyang Christmas date?

Mukha naman. Sana.