MATAGAL nang kumakalat sa Facebook ang picture ni Kris Aquino na may bonggang kuwintas, at sinasabing ang kuwintas na ‘yon ay bahagi ng koleksyon ni Madam Imelda Marcos.
Tila napuno na ang salop, so to speak, at hindi pinalaking DUWAG si Kris lalo na kung ipagtatanggol niya ang sarili sa FICTION.
Pasabog na post ni Kris sa Instagram, “It seems you don’t want me to stay quiet and your trolls want to keep perpetuating lies about me.
“My friend JC Buendia & my sister Viel both showed me this paulit-ulit na FB post.
“The necklaces supposedly belonged to Mrs Marcos & I was brazen enough to wear them for the APEC DINNER. Duh?
“The necklace I wore was made from cubic zirconia & silver — hindi po DIAMONDS, in other words fake sila although Bottega Veneta naman.
“ ENOUGH! And the TRUTH is on my side — including credit card receipts.

“P.S. I have a long standing event for #ARIEL on Tuesday, even if my necklaces aren’t appropriate for showing, how you can remove more than 100 different types of stains — what the heck, isusuot ko na sila, after all I paid for them w/ hard earned, tax paid income, and hindi ko na problema kung ‘yung pagnanakaw ng iba, trip nilang ibintang/pagtakpan using me — and to be perfectly clear, I’m not referring to Mrs. Marcos.
“So this is FAIR WARNING — stop lying about me if you don’t want your rotting skeletons unearthed. #IAMBACK”
***
Mahusay magsalita sa Congressional hearing si Jaybee Sebastian.
Mas malinaw at mas maayos siyang magsalita kaysa sa iba nating mambabatas.
***
October 8 is Martin Nievera Day sa Los Angeles, California mula kay Mayor Eric Garcetti .
Bilang day of honor, taun-taon nang gugunitain at pararangalan ang ating Concert King.
***
Makakahinga nang kaunti ang Be My Lady na tuluy-tuloy ang pamamayagpag sa ratings sa AGB Nielsen man o sa Nationwide Kantar survey.
Nauna kasing naibalita na tatapatan itong timeslot nila ng show niKris Aquino na parang nabinbin na nang tuluyan.
Anyare?
***
Sumali rin ang anak ni Marco Sison sa Pinoy Boyband Superstar at hindi ito pumasa.
Imbes na kumanta ng akma sa edad niya, akala siguro ng anak ni Marco na mas malaki ang tsansa niyang magwagi kapag ang kantahin niya ay awit ng kanyang ama.
Wrong move.
Tuloy, naihambing siya sa kanyang ama na di hamak na mas mahusay at mas looker kaysa sa kanya.
Besides, sabi nga ng birthday celebrator na si Allan D, “Who needs another Marco Sison?”
***
P114,000 ang nakalaang CASH PRIZES para sa Halloween Festival Parade na Takutan sa Burgos (Year XI).
Gaganapin ito sa Oktubre 22, Sabado, sa P. Burgos St., Brgy. Poblacion, Makati City.
Sa labanan ng mga GRUPO, P20K ang iuuwi ng best in SCARY costume, at P15K ang 1st runner-up.
Tatlong grupo ang may conso na P3,000K.
Sa labanan ng mga INDIVIDUAL -sa SCARY costume man o sa HALLOWEEN COSPLAY – P15K ang nakalaan sa pinakabongga, P10K sa 1st runner-up, at more & more ang pampalubag-loob na P1K bawa’t isa.
Hindi ‘yan OPM (Oh Promise Me), ha, maski itanong n’yo pa kay Joemari Demegillo Bonifacio.
Wala po itong registration fee.
Para sa mga sasali, makipag-alam sa cell# 0995-013-3603.
***
Ika-11 at huling elimination round ng Fantasy Bodies mamayang gabi sa Viaje Kada comedy bar, Mezzanine 123-127 WilVic Bldg, Kamias Rd, Quezon City (cell# 0916-6777-217).
Dalawang babae at tatlong lalaking modelo pa rin ang magpapasiklab dito.
Casting & styling ito ni Bembem Kho (cell# 09291436766, 09064849218).
‘Di po ba, Tito Mon?
Kris ibang iba yong ipinakita mong Bottega Venetta na necklace don sa isinuot mo sa APEC. Do not fool us.
HELLER!WAG MUNG ITULAD C KRIS KAY IMELDA NA MAG NANAKAW!