KAPAG Linggo, kung saan full blast ang radyo at pulos classic at old tunes ang aking naririnig, hindi ko maiwasang gunitain at hanap-hanapin ang ilang palatuntunan sa telebisyon.
Ang entertainment talk show…
Kahit pa sabihin mong “real time” kuning-kuning ang mga entertainment portals, blogs at iba’t ibang posts sa social media platforms, iba pa rin na may TV show that focuses and highlights the most salacious entertainment gossips.
Kung totoong babalik na bilang ka-Siyete at blocktimer si Kris Aquino, sana’y magka-entertainment/showbiz talk show siya.
And to make it more interesting, gawin itong parang See True pero ang ka-panel ni Aquino ay ‘yung mga reporter na highly opinionated, hindi sasang-ayon at laging sasalungatin ang mga pakiwari at pahayag ni Tetay.
Literal na argumentation and debate style. Punto por punto, maanghang na balitaktakan, on air tarayan, may the best daldakina win.
Dapat walang pikon. Kasi, ang pikon, siyang talo.
It will be interesting to see na may mga reporter na tatapat sa supposedly “superior” intelligence ni Kris when it comes to disccussing showbiz issues and intrigues.
Walang pa-tactful sa show, lahat go for gold ang tigbakan. Sagad at wagas ang mga kuda at hanash.
***
Nakaka-miss din ang mga evening musical variety shows na naging arena minsan nina Nora Aunor (Superstar), Vilma Santos (Vilma In Person), Sharon Cuneta (The Sharon Cuneta Show) at Maricel Soriano (Maricel Live!).
Ang huling apat na reyna dati, patalbugan sa mga song at dance number.
Emote sa song numbers niya sina Ate Guy at Shawie. Si Marya, shake, shake, body, body dancer.
Si Vilma, ihinahagis sa ere, tumatumbling at itsurang hingal na hingal after pero emote na emote pa rin ang pag-smile.
***
Siyempre pa, dapat kasali ang Loveliness ni Alma Moreno in all her tanga glory with matching facial expressions na pa-sensual while dancing.
Isama mo pa ang RSVP dati nina Dawn Zulueta at Ariel Ureta at mga pangabog na contemporary modern ballet numbers mula sa Powerdance with matching Ai Ai delas Alas as Cheeny La Chica.
Ang Penthouse Live nina Martin Nievera & Pops Fernandez at ang mga baklang-baklang leg extensions at twirls mula sa Adrenaline dancers.
At siempre si Nanette Inventor as she pokes the new moneyed as Doña Buding.
Ang Manila sound at best of OPM na naghari at reyang uri sa Ryan, Ryan Musikahan at ang mga Pinoy opera superstars at classical music na inilapit sa masa.
Kasi, may A Little Night of Music hosted by Fides Cuyugan Ascencio.
At siempre pa ang Aawitan Kita ni Armida Siguion Reyna na siyang dahilan kaya ako nagkaroon ng appreciation at fondness para sa mga kundiman at mga likhang awit na mula sa zarzuela.
***
Nakaka-miss din ang It’s A Deal, show ito dati nina Alma Moreno at Michael de Mesa, bilang fag hag at bekimon best friends who lived in the same apartment.
This show even preceeded Will and Grace.
Ang Duplex kung saan naging iconic characters si Daddy Groovy, na ginampanan ni Ading Fernando.
Si Soxie Topacio ang tatangang yaya with a busog na busog na bosom Liweng Janice Jurado, at Anna Lorraine Kier na ang hubby dearest ay si Al Tantay.
Ang heart warming Joey and Son with Joey de Leon and Ian Veneracion na akala ko noon ay mag-ama for real.
***
The list of comedy shows will not be complete without Abangan Ang Susunod Na Kabanata with Tessie Tomas as the pill popping Barbara Tengco at anak niyang si Dino Tengco na ginampanan ni Anjo Yllana.
Ang mga barako sa Palibhasa Lalake with the lovable lasenggera Manay Minerva played by the Gloria Romero.
Ang “halika, shower na tayo” paandar lagi nina Nova Villa at Freddie Webb sa Chika, Chika, Chicks.
Ang Tepok Bunot with the kolehiyalang ingliserang Isabel Rivas at ang lagi niyang kabatuhan, ang baklang-baklang karakter ni Roderick Paulete.
At siempre pa, the legendary Porontong family sa John en Marsha, kung saan ang bida ay ang comedy king Dolphy at ang best leading lady niya, si Nida Blanca.
***
Wala na ang katulad ng Teysi ng Tahanan.
May nakakaalala pa ba sa Ms. D ni Dina Bonnevie.
Eh ang Probe Team ni Ms. Cheche Lazaro, View Point at Dong Puno Live, ang Tell The People ni Jullie Yap Daza… they don’t make TV shows like these anymore.
Dati, balanced ang Pinoy TV content. May pang-masa, meron ding pang-higher AB crowd, at meron pang imported foreign dramas at soap operas.
Anyare?
Sana, maibalik ang ganitong klaseng palabas para hindi pulos sampalan at paghihiganti, kalandian at katangahan ang mga pinapanood sa kasalukuyan.
Ang mga palabas sa telebisyon, dapat hindi lang pulos entertainment, fantasy fare.
Dapat sumasalamin din ito sa mga katotohanan.
Irrelevant na ang mga showbiz talk shows pati nga showbiz magazines dahil sa social media. updated dito ang mga fans lalo na at ang mga hinahangaan nilang mga artista ang siyang nag-a update ng happenings nila. dito na lang sa mga tabloid kayo kumikita dahil pandagdag din ang columns ninyo para mapuno ang tabloid.
Itong writer na ito ang inis kay Kris eh. Palagi ang banat kay Kris.
Mga palabas ngayon sa tv nakakasawa…. gaya ng aldub na sobrang nakakasuka
Bat mo pinapanood nakakasawa pala?