May sakit ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby kaya naka-isolate raw sila ngayon sa beach resort ni Willie Revillame. Good thing, wala namang lagnat ang bagets.
“I made the conscious decision to isolate ourselves, we found a friend and she kindly allowed us the use of their spare room, separate from their family’s area.
“Nag magandang loob na si willie, nakakahiya kung may mahawa pa sa masamang ubo & pneumonia ni bimb. The 3 of us are the only family we have now kaya walang iwanan… Kuya is so tall, kaya diagonal sya sa bed.
“My prayers were answered, hindi nagka fever si bimb. He took his 2nd dose of antibiotics, and okay ang appetite nya,” bahagi ng Instagram update ni Kris.
Dahil may autoimmune condition si Kris, dapat ay bawal siyang lumapit kay Bimby dahil baka mahawa siya pero wa kebs ang nanay at binantayan ang anak.
“I’ve been awake 24 hours (all parents will understand me) nag bantay ako to make sure nakatulog sya, no chills, and hindi hirap huminga. Sharing this to remind everyone, wag dedmahin ang ubo- and let’s care enough about the health of others to not risk their health? Constant hand washing helps a lot- the 3 of us are always together but because i have been strict about washing hands & disinfecting our gadgets, so far okay kami ni kuya.”
Ikinuwento rin ni Kris na na-touch siya sa palitan ng text messages nina Joshua at kapatid niyang si former President Noynoy Aquino.
“Speaking of kuya josh, nasilip ko his phone habang ka text nya si tito Noy while kuya told him bimb was sick. Nakakatouch because kuya josh told his tito Noy: i miss you & i love you so much… i saw the reply: love you, josh.
“Maybe reminder for all of us to tell everyone we care about how much they mean to us & how much we love them, whether we are near or far… may God bless you and your families during this time of trials & uncertainty,” saad pa ni Kris.
As we all know ay pansamantalang nagbabakasyon ngayon sa beach resort ni Willie sina Kris and 2 sons at matatandaang ipinasundo pa sila ng chopper ng comedian/TV host.
Marami naman ang nag-aalala kay Kris na baka mawaha siya kay Bimby dahil nga sa health condtion niya at pinag-iingat siya pero sey ni Kris, mas gusto pa niya na siya na ang magka-pneumonia kaysa sa anak.
“I’d gladly trade places & take the pneumonia- he may be 5’11 but he’s still just 12 years old & will always be my baby…” ani Kris.
Imbyerna ang mga Noranian: Lolit ayaw patulan ang laos na bold star
May sagot ang veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis sa mga bashers niyang Noranians na nilait-lait siya dahil na-mention niya si Nora Aunor nang ma-infect ng COVID-19 (coronavirus) si Christopher de Leon.
May dialogue kasi si Nay Lolit for Boyer na “kung si Nora Aunor nga na-survive mo, corona virus pa?”
Siyempre, nagalit ang Noranians dahil bakit daw idinamay pa si Ate Guy na nananahimik at kung ano-ano nang panlalait ang sinabi sa kanya.
Tinawanan lang ni Nay Lolit ang mga bashers, gayundin ang isang laos na boldstar na nakisali pa raw.
“Alam mo Salve nang may nagsabi sa akin na bina-bash ako ng mga Noranians at sumali pa ang isang laos na boldstar, parang gusto ko matawa.
“Sa panahon ngayon na ang daming problema sa buhay at pati ng bansa natin, to find time para mag-bash o kaya magsalita ng hindi maganda wow, at least meron ka sobra oras.
“Hah hah, I will not explain or give a reason dun sa sinabi ko dahil sabi nga di ba, don’t get mad, if you cannot forgive, ignore.
“Naku sa oras na ito na hindi mo alam what will happen tomorrow, bashing pa ang haharapin mo. Enjoy it, at least nabigyan ko kayo ng chance mailabas pent up emotion nyo at kahit paano nalimutan nyo ang covid 19.
“Payo ko lang sa laos na boldstar, wala ng halaga ang opinyon mo, save it to yourself. You’re nothing but a has been boldstar, period,” ang pahayag ni Nay Lolit sa kanyang IG.
Marami ang nagtatanong kung sino ang tinutukoy ni Nay Lolit dahil dalawa lang naman daw ang tinatawag nitong laos na bold star – either Rosanna Roces or Gretchen Barretto.
Pero mas marami ang humuhula na si Rosanna ang tinutukoy ng veteran columnist/talent manager. (VINIA VIVAR)