BONGGACIOUS ang maiinit na eksena sa Impostora.

Todo bigay sa love scenes sina Rafael Rosell at Kris Bernal.

Para kay Rafael, mas gugustuhin niyang magpakita ng iba’t ibang klase ng pagmamahal sa telebisyon kaysa magpalabas ng mga nakakalungkot o bayolente.

“Why do we have to hide love? We see a lot of different things on TV, so why do we have to hide love?” pahayag ng aktor.

Ito ang isa sa mga dahilan kaya tinututukan ng manonood ang Impostora.

Ang mga artista rito ay pursigidong ibigay sa audience ang gusto at hilig nila!

***

HINDI na mall o kalsada ang nirampahan ng King of Catwalk na si Sinon Loresca… eroplano na!

Sa Instagram ay pak na pak ang mala-flight attendant walk ng aktor habang naka high-slit dress at yellow skyscraper heels na ikinatuwa ng mga passenger papuntang Singapore.