PAGKATAPOS ni Kiray, si Angeline Quinto naman ang sinugalan ng Regal Films para susunod nilang leading lady.
Kasama si Angeline sa That Thing Called Tanga Na at sa bagong pelikulang Never Been Kissed, Never Been Touched kasama si Jake Cuenca at ang Tomiho loveteam.
Sana’y ma-break na ni Angeline ang pagiging jinx niya sa pelikula after magbida sa Born To Love You at Beauty In A Bottle.
***
Panibagong pagpapatahi ang mga mambabatas at government officials ng kanilang isusuot sa SONA ng Pangulo dahil business attire na raw ang dress code bilang pag-iwas sa taunang fashion show.
CLAP CLAP tayo sa policy na ito ng bagong Presidente — pero sa tingin ninyo, maiiwasan ba ang pagpapabongga kapag business attire na ang isusuot?
We doubt!
***
Kabilang sa celebrity fans ng AlDub si Kris Aquino.
Pinanood ni Kris ang blockbuster movie na Imagine You and Me at nag-post siya sa Instagram ng paghanga.
Ani Kris, “Parang #GOT [Game Of Thrones] lang na medyo late ako pero ngayon fan… We went to watch #imagineyouandme and after seeing the movie
“1. I want to book a tour of Italy tonight. 2. Storytelling by Direk Mike Tuviera was warm & feel good.
“3. My favorite DOP for my TVCs Shayne Sarte was masterful in showcasing Lake Como 4.
W/ minimal scenes Jasmine Curtis Smith made me empathize w/ her character.
“5. Alden Richards is not just handsome but he radiates a good heart. And 6. Maine Mendoza is appealing because she made being on screen as Gara seem so light & effortless, magaan syang panuorin. Congratulations to the whole team!”
Syempre pa, umani ng batikos si Kris dahil mas pinaboran niya ang AlDub movie kesa sa kasabay nitong nag-showing na Dukot ng Kapamilya actor na si Enrique Gil.
***
Pagkatapos mag-guest sa show ni Ellen DeGeneres at ibang Hollywood interviews, nakatakdang maging ambassador ng Operation Smile si John Philip Bughaw aka Balang.
Usap-usapan sa Hollywood na bukod sa gadgets at regalong ibinigay sa kanya noong una siyang pumunta sa Los Angeles, ichineck in siya sa isang five star hotel sa malapit sa Hollywood area.
Binigyan sila ng per diem na allowance na naubos lang nila dahil sa kakapa-room service.
Lesson learned… sa mga sumunod na araw, lumabas na sila ng hotel at doon kumuha ng pagkain sa mga restaurant sa labas. Mas nakamura sila.
***
Showing na ngayon ang Anino Sa Likod Ng Buwan sa Gateway Mall sa Cubao at Gaisano cinemas sa Tagum, Toril and Digos, Davao.
Magandang balita na ang Festival Mall at Robinson’s Galleria will also screen Anino Sa Likod Ng Buwan starting this Wednesday!
At least, proud naman na at iprinomote na ni LJ Reyes ang pelikula after niya itong itatwa bago siya manalo ng Urian best actress award.
***
Sa nalalapit na pagtatapos ng Kapuso primetime series na Once Again, masasabi ng Ultimate hunk na si Aljur Abrenica na maraming blessings ang nabigay ng programang ito sa kanya.
“Bukod sa co-stars ko na talaga namang naging inspirasyon ko, most memorable experience ko rin ay nu’ng nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagmuni-muni sa Taal.
“That time, I started asking for guidance and success ng show, humiling ako, nag-wish.
“True enough, natupad ang hiniling ko dahil marami ang tumangkilik at sumuporta sa amin,” sabi ng aktor.
Teka…. Nagamit ba sa Once Again ang kantang Minsan Sa Isang Panahon na inawit noon ni Kuh Ledesma?
Ginamit ang kantang iyon sa mga pelikulang Karma (na tungkol sa reincarnation) at Tinimbang Ang Langit, na parehong dinirek ni Danny Zialcita.
***
Wagi pa rin sa takilya ng North America last weekend ang animated movie na The Secret Life of Pets ($50.8M).
Umabot na sa $203.4M ang domestic gross nito sa dalawang weekend.
Pangalawa ang bagong bukas na Ghostbusters ($46M).
Pangatlo ang The Legend of Tarzan ($11.4M), na naka-$103.4M sa tatlong weekend.
Pang-apat ang mega-blockbuster na Finding Dory ($11.3M), na naka-$445.7M sa limang weekend.
***
Manggugulo sina Jaclyn Jose at Eugene Domingo sa Laff, Camera, Action! sa Sabado (Hulyo 23) sa GMA 7.
Tampok ang dalawang magaling na aktres sa isang oras na unscripted at unrehearsed na aktingan.
Susubukan ng team nina Barbie Forteza, Inday Garutay & RJ Padilla na muling manalo sa episode para mapabilang sa Hall of Famer.
Kalaban nila ang team nina Fabio Ide, Lovely Abella & Orca.