KUNG sanay ka na kulay ube ang kilalang Ube Jam sa Baguio, ngayon ay may new look na ito mula sa dating kulay ube ay puti na ito ngayon.

Sa Facebook post ng Good Shepherd Convent sinabi nito na dala ng climate change ay may ilang taon na rin silang hirap sa paghahanap ng stable na supply ng ube na kamote, kung minsan ay may pailan-ilan, subalit nitong mga nakalipas na Linggo ay kahit saan ay walang mahanap na ube na kamote kaya upang hindi matigil ang kanilang binibigay na tulong sa pag-aaral sa kanilang scholars ay gumamit na muna sila ng puti na kamote.

“Due to changing climate, our ube farmers are having difficulty growing ube. It has been our struggle in the recent years to find a stable supply.

And in the past weeks there were none. Now our ube jam sports a new look.

Yes it is ube jam. From white ube. Yes there is such thing. And it is the available supply at the moment,” nakasaad sa post ng Good Shepherd.

Pagtiyak pa ng mga madre sa Good Shepherd na parehas lamang din ang lasa sa nakagawiang ube at umaasa sila na susuportahan pa rin ito ng publiko upang pondohan ang college education ng mga Cordillera youth. (Tina Mendoza)