Binakbakan ni Senador Nancy Binay ang ilang ahensya ng gobyerno na nagdudulot aniya ng panic sa publiko dahil sa magkakaiba nilang paha­yag kaugnay ng problema sa kakapusan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

“Ang sabtmeron sapat na supply ng tubig ang Angat Dam. Ang sabi naman ng Manila Water kulang na raw ang tubig kaya may shortag­e pero ang Maynilad, willing magpahiram ng tubig sa Manila Water. Ano ba talaga, kuya? Mas lalo lang natin nililito ang publiko,” Binay said.

Aniya, maaaring magresulta ng public panic ang nakakalito at magkakaibang pahayag ng mga ahensya kung kaya hinimok nito na magkaisa ang mga nasabing ahensya para magkaroon ng malinaw na polisiya sa pagmamantini ng suplay ng tubig.

“The conflicting statements paint a confusing picture of a water crisis that can trigger pa­nic and further impact on public order,” ani Binay.

Kinuwestiyon din ng senador ang National Water Resource­s Board (NWRB) pagdating sa pagbibigay ng komprehensibong water resource plan, epek­tibong water allocation at resuse policy sa gitna ng nararanasang kakulangan ng tubig sa Metro Manila ngayon.

“Matagal na ta­yong aware sa climate change maging sa El Niño. Nangyayari ang ganitong krisis sa tubig dahil walang malinaw na polisiya at kahandaan. We already have a 30-year-old law on constructing water catchments nationwide pero hanggang nga­yon isang suggestion pa rin ito,” sabi ni Binay.