TSIKA ng U.S. Immig­ration-friend naming si Tim Evans, nag-birthday party ang nag-iisang babaeng anak ng dating aktres na si Krista Ranillo at ng businessman-husband nito na si Niño Lim.

Apat na ang anak nina Krista at Niño at pangatlo ‘yung only girl nila.

Ayon sa isang guest sa party na si Maritess Tantoco, walang celebrity na bisita sa party, pero nandoon ang lolo at dating matinee idol na si Matt Ranillo III.

Sa picture na nakita namin, very pretty pa rin si Krista at obvious na happy siya sa pagiging misis ni Niño at ina ng apat nilang mga anak.

Ang pamilya ni Niño ay may-ari ng grocery chain sa California at Las Vegas, Nevada.