Maghain ng apela sa Supreme Court (SC). Ito ang payo ng Commission on Elections (Comelec) sa mga kritiko nito hinggil sa pagpapaliban ng 2016 barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Ayon kay Comelec chair Andres Bautista makabubuti umanong idulog na lamang sa SC ang reklamo para mapagdesisyunan sa halip na batikusin ang poll body.
“Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng pagpapaliban ng barangay at SK elections. Siguro maganda na idulog nila sa Korte Suprema at nang madesisyunan ng Korte Suprema,” wika nito.
Magugunitang una nang pinagtibay ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nananawagang ipagpaliban ang barangay at SK elections at naghihintay na pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Comelec ang pagpapaliban sa eleksyon ay maaaring kuwestiyunin sa SC dahil sa posibleng mapalawig ang termino ng mga kasalukuyang barangay at SK officials.
sana may mag-sc nga at tumutol sa postponement. masyado ng pinaglalaruan ng mga mambabatas ang batas natin. ang mga kabataan nagmumukhang laruan na lang pero pag eleksyon mga lokong mambabatas na to isa ang sektor ng kabataan ang hinihingan ng saklolo. mga kawatang barangay officials abot-tenga ngiti tuloy kasi ligaya sa pondo. makarma sana kayo ng maaga. sana pati presidential, senatorial at local elections ayaw i-postpone.