Kudeta vs. Duterte gov’t hindi magtatagumpay

evasco

Kumpiyansa ang admi­nistrasyong Duterte na hindi mangingibabaw ang anumang niluluto­ o ipinopormang pagpa­pabagsak sa kasalu­ku­yang­ gobyerno.

Ayon kay Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco Jr., hindi maikakaila na may mangilan-ngilang personalidad na hindi natutuwa sa diskarte ng pamamalakad sa gobyerno ni Pangulong Duterte.

Binigyang-diin ni Evasco sa isang panayam­ kahapon na kung may mga ganito mang balakin ay mabibigo lamang.

Ito’y sa kadahilanan­ aniyang nananatiling mataas ang trust rating ni Pangulong Digong.

Sa kabila nito ay hindi naman tinukoy ni Evasco kung saan nanggaling ang impormasyon patungkol­ sa pinaplanong kudeta­ para windangin ang pamahalaang Duterte.

Tinutunton naman ng Armed Forces of the P­hilippines (AFP) kung ano at saan nagmula ang mga umusbong na balitang­ tangkang kudeta laban sa administrasyong Duterte.

Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Restituto­ Padilla, bagaman hind­i nila batid kung saan ito nagmula ay hindi naman­ nila binabalewala ang nasabing mga impormasyon.