Kukoc: Mas magaling si Durant kay LeBron

Sa panahon ngayon at sa estilo ng laro sa NBA, hindi na halos kailangan ng teams ang mga true-blooded playmaker para magbaba ng bola at magmando ng opensa.

Kahit ang mga 7-footer, nakakapagbaba ng bola.

Nakikita ‘yun ni Toni Kukoc, noong panahon ng pangalawang three-peat ng Chicago Bulls noong 1996-1998 ay nasubukan ding magbaba ng bola.

Kahit sino sa Bulls noon ay puwedeng magdala ng bola dahil sa triangle – sina Michael Jordan, Scottie Pippen at si 6-foot-10 forward Kukoc. Ang mga guards nilang tulad nina Steve Kerr, Ron Harper, John Paxson at BJ Armstrong, bawas ang touches at kumakayod off the ball.

Sa henerasyon ng mga manlalaro ngayon, hindi si LeBron James kundi si Kevin Durant ang nakikita ni Kukoc na pinaka-versatile.

Maraming nagagawa sa court, isa rito ang pagiging playmaker.

“Plenty of times LeBron is mistaken as a point guard, which is awesome,” paliwanag ni Kukoc sa AMA on Reddit. “Kevin Durant, to me in my personal opinion, is the best player in the NBA.”

Mula sa isang big na nabuhay sa triangle, swak na swak din daw si Durant sa sistema.

“He can easily bring the ball up the floor. that’s a style that the triangle offense allowed that any one of us could run the point or be a post person or fill the corners. It’s not requirement to have a point guard, you can have skill players with 3 of 4 guys on the same team playing multiple positions.” (Vladi Eduarte)