Sa walong official entries sa 44th Metro Manila Film Festival, dalawa rito ang nabigyan ng grade “A” ng Cinema Evaluation Board at ito ay ang “Rainbow’s Sunset” ng Heavens Best Productions at ang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” ng CCM Film Productions, M-Zet Productions and APT Entertainment.
Mula sa direksyon ni Joel Lamangan, pinagbibidahan nina Eddie Garcia, Tony Mabesa, Sunshine Dizon, Aiko Melendez, Tirso Cruz III ang “Rainbow’s Sunset” habang ang “Jack Em Popoy” naman ay sina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza ang mga lead stars directed by Mike Tuviera.
Graded B naman ang “Aurora” ng Viva Films, “Fantastica” ng Star Cinema, “One Great Love” ng Regal Films, “Mary, Marry Me” ng TINCAN Productions at ang “The Lady in the Orange Dress” ng Quantum Films.
Ang “Aurora” naman ay pinagbibidahan ni Anne Curtis mula sa direksyon ni Yam Laranas. Star-studded naman ang “Fantastica” dahil may Vice Ganda na, may Dingdong Dantes and Richard Gutierrez pa plus ang tatlong sikat na loveteams na MayWard (Maymay Entrata and Edward Barbers), LoiNie (Loisa Andalio and Ronnie Alonte) at DonKiss (Donny Pangilinan and Kisses Delavin) mula sa direksyon ni Barry Gonzalez.
Pinagbibidahan naman nina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga and Sam Milby ang “Mary, Marry Me” directed by RC delos Reyes. “One Great Love” stars Kim Chiu, JC de Vera and Dennis Trillo mula sa direksyon ni Eric Quizon. Sina Jessy Mendiola at Jericho Rosales naman ang mga bida sa “The Girl in the Orange Dress” na idinirihe ni Jay Abello.
Horror film din ang “OTLUM” mula sa Horseshoe Productions na idinerihe ni Joven Tan at pinagbibidahan naman ng UP Fighting Maroons player na si Ricci Rivero, Michelle Vito, Vitto Marquez, Danzel Fernandez, Buboy Villar at Jerome Ponce.
Dalawang tulog na lamang at magbubukas na ang MMFF 2018 at malalaman na natin kung alin sa walo ang mangunguna at mangungulelat sa takilya. Tulad ng nakagawian, the festival opens on Christmas Day, Dec. 25.
Candy, t-shirt bawal sa parada ng filmfest
Ngayong araw naman, Dec. 23, nakatakdang ganapin ang Metro Manila Film Festival Parade of Stars. Ang Parañaque ang host city ngayong taon at magsisimula ang parada sa Shopwise sa Sorena St., turn right sa Dr. A. Santos Avenue (Sucat), straight towards Ninoy Aquino Ave., turn left sa Kabihasnan, then turn right sa Quirino Avenue, left sa MIA/NAIA Road, right to Macapagal Blvd., then turn left sa Bradco Ave.
Tinatayang magki-kick off ang parada ng 1 p.m. na pangungunahan nina Phoemela Baranda, Kim Molina, at Shalala, at ike-carry ng ABS-CBN.
Para sa mga commuter, narito ang mahahalagang traffic advisory kaugnay ng parada:
Ang mga daang isasara by noontime ng Dec. 23 ay ang sumusunod: 1. Along Quirino Ave. from Kabihasnan to MIA Road; 2. Along Kabihasnan from Dr. A. Santos (Sucat) to Quirino Ave.; 3. Along Dr. A. Santos Ave. (Sucat), Westbound lane; 4. Along MIA Road, Westbound lane and 5. Along Macapagal Road, Northbound lane.
Roads with counterflow: 1. Along Dr. A. Santos Ave. (Eastbound) from Sorena Ave. (Shopwise) to Kabihasnan; 2. Along MIA Road (Eastbound) from Quirino Ave. to Macapagal Blvd.; 3. Along Macapagal Blvd. (Southbound) from Mia Road to Bradco and 4. Along Airport
Road are two way traffic from Roxas Blvd. to Domestic Road from 1pm.
Pinagbabawal na rin ngayong taong ito ang paghahagis ng mga candy, shirts or kahit anong bagay mula sa mga float during the parade para raw maiwasan ang stampede.
Puwede raw maghagis before and after the parade.
Sa dami ng security detail at sa masusing koordin
asyon ng City of Parañaque at MMDA, handa na ang gaganaping Parade of Stars.
Ang Gabi Ng Parangal naman ay gaganapin sa The Theater Solaire sa December 27 with multi-awarded MMFF best actors and actresses Christopher de Leon, Gina Alajar and Joanna Ampil as part of the jury.