WALA pa kaming nakuhang impormasyon sa pagsisimula ng pagpapa­labas ng walong pelikulang kalahok sa MMFF.

Pero ilang araw bago nagsimula ang filmfest, nabalitaan ­naming naghahanda na ang mga pelikulang hindi naka­pasok sa MMFF na nakapag-showing na maglalabas sila sa ilang sinehan sa probinsya.

Hindi kasi sakop ng MMFF ang mga sinehan sa ilang lalawigan pero malapit lang sa Maynila, kagaya ng Cavite at Batangas.

Kagaya sa ilang sinehan sa Cavite, magsu-showing sila roon ng E­nteng Kabisote 10.

Kaya baka isipin ng ibang nanonood kasama ang Enteng sa MMFF.

Tuloy pa rin ang showing nito sa iba pang sinehan sa Cebu & Davao kasabay ang Super Parental Guardians.

Naikuwento ng isang kaibigan namin na magsu-showing sa ilang sinehan sa Lipa, Batangas ang Rogue One at p­ati ang Enteng at SPG ni Vice Ganda.

Ewan kung may magagawa ang mga taga-MMFF na pakiusapan ang mga theater owners na ibigay sana muna sa entries nila ang mga sinehan kahit isang linggo lang bilang suporta sa filmfest.

Ilan sa mga kaibigan namin na gustong mapanood ang walong pelikulang kalahok sa MMFF ay simulan muna nila ang panonood sa mga pelikulang tingin nila ay kulelat sa takilya, kagaya ng Sunday Beauty Queen (documentary tungkol sa mga OFW sa HK) at Oro (socially relevant film starring Mercedes Cabral & Irma Adlawan).

Saka na lang nila pano­noorin ang tingin nilang malakas sa takilya kagaya ng Vince & Kath & James at Seklusyon, pati na ang Die Beautiful at Ang Babae sa Septic Tank 2.

***

Gusto ko lang ikorek ang huling nasulat ko na hindi nakalipat si R­onnie Alonte sa float ng Seklusyon noong P­arade of Stars sa Maynila.

Sabi ng taga-Seklusyon, nakalipat si Ronnie pagdating nila ng Ongpin.

Pero pagdating ng Recto ipinalipat uli siya ng Star Cinema sa Vince & Kath & James.

Puwede na raw iyun kahit maiksi lang ang partisipasyon sa kanila.

Kaya pala pagda­ting ng Plaza Miranda ay nandoon uli si R­onnie sa karosa ng Star ­Cinema.

Busy si Ronnie sa MMFF ngayong taon na hindi niya akalaing makakasali ang dala­wang pelikulang nagawa niya, na kapwa mala­kas sa millennials.

“Nagpapasalamat po ako dahil matagal ko na rin po na dinadasal ko ito,” pakli ng guwapong #Hashtags member.