Kulusugan ng mamamayan sa Benguet uunahin ni Cong. Yap

Matapos italaga bilang caretaker, prayoridad ngayon ni ACT-CIS Cong. Eric Yap ang kalusugan ng mamamayan ng lone district ng Benguet.

Layunin ni Cong. Yap na mabigyan ng ­solusyon ang kakulangan ng gamot at pondo ang ospital sa Benguet, kawalan ng tamang waste disposal at magkaroon ng farm to market raod sa probinsiya.

Si Cong. Yap ang itinalaga ng Kongreso bilang caretaker ng naturang distrito matapos pumanaw si Cong. Nestor Fongwan Sr., noong Disyembre, 2019.

“Nakausap ko ang mga local official at ­nalaman ko ang kanilang suliranin tulad ng kakulangan ng gamot at walang pondo ang ospital nila doon. ­Bilang caretaker ay hahanapan ko ang solusyon sa lalong madaling panahon upang hindi na ­bumaba pa at pumunta sa ibang lugar ang mga taga ­Benguet para magpagamot” anang manbabatas.

Nais din ni Cong. Yap na magkaroon ng ‘­environment friendly garbage disposal sa ­nasabing lalawigan.

Anang mambabatas, ang Benguet ang siyang vegetable capital of the Philippines pero hirap ang mga magsasaka na ibaba at dalhin sa palengke ang ani nilang gulay dahil walang maayos na kalsada.

Tiniyak ni Cong. Yap na gagawin niya ang ­lahat ng kanyang makakaya para masolusyunan ang mga nasabing problema.