Isang armadong shabu pusher ang piniling mamatay kaysa madakip makaraang pumalag sa buy-bust opeĀ­ration sa Baliwag Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., Acting Bulacan police director, ang suspek na si alyas Big Boy, 45, residente ng Sitio Tumana, Brgy. San Jose ng nasabing bayan na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan habang nadakip naman ang kinakasama nitong si Amelia de Guzman na sangkot din sa pagtutulak.

Dakong alas-12:30 ng hatinggabi nang ilatag ang operasyon laban sa suspek na kaagad bumunot ng baril sabay putok sa mga awtoridad na naging sanhi ng engkuwentro hanggang sa mapatay ito.

Narekober sa suspek ang isang cal. .22 revolver, mga bala, apat na pakete ng shabu, marked money at mga drug paraphernalias.