Nababahala si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa pagpasok ng bilyon-bilyong halaga ng iligal na droga sa bansa.
Pero ang mas nakakapag-alala aniya ay ang kahihinatnan ng mga ebidensiyang nakukumpiska sa isinasagawang drug busts.
“While we laud the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) and other law enforcement agencies for seizing almost 500 kilograms of shabu (crystal meth), I strongly urge them to handle with utmost care the evidence against those responsible for bringing in the illegal drugs so they can file appropriate charges against them with the court and win these cases,” pahayag ni Velasco.
Naniniwala ang kongresista na matapos ang pag-iimbentaryo sa mga ebidensya at kaukulang pagprisinta sa korte ay dapat lang wasakin na ang mga ito para hindi na muli pang maikalakal.
Hindi naman na aniya bago ang kuwento na may mga natutuksong alagad ng batas at hindi na umano dapat maulit ang mga ganitong insidente.
“The series of confiscation of illegal drugs are proof that the crackdown of the Duterte Administration on megalabs is effective. Now syndicates resort to importing the illegal substance rather than producing it locally,” ani Velasco.(Aries Cano)