Mga laro ngayon (Filoil Arena, San Juan)
8:00 a.m. — Benilde vs. Lyceum (jrs)
10:00 a.m. — Arellano vs. Letran (jrs)
12:00 noon — Benilde vs. Lyceum (srs)
2:00 p.m. — Arellano vs. Letran (srs)
4:00 p.m. — Perpetual vs. SSC (srs)
6:00 p.m — Perpetual vs. SSC (jrs)
Pangunahing sandata ng Lyceum of the Philippines si CJ Perez, palagi itong pinupuri ni coach Topex Robinson dahil sa ipinakikita niyang leadership.
Nasa unahan ng team standings ang Pirates hawak ang malinis na apat na panalo sa 93rd NCAA basketball tournament, kabilang sa naging biktima nila ang defending champion San Beda College.
Malaking tulong din sina Jasper Ayaay at Mike Nzeusseu, at hindi rin matatawaran ang ipinakikita ng Marcelino twins na sina Jaycee at Jayvee. Kumbaga sa barko ng mga pirata, kumpleto ang crew.
“Maganda ang chemistry ng team lahat puwede mag-deliver kapag hinugot ni coach. Sa akin nagpapasalamat ako kasi meron kaming dalawang makukulit na guards,” patungkol ni Perez sa kambal.
Sa panalo ng Intramuros-based squad Pirates laban sa Arellano University, 99-65, walang ginawa ang magkambal kundi bulabugin si Chiefs star Kent Salado tuwing hahawak ito ng bola.
Nalimitahan ang opensa ni Salado, natambakan ang Chiefs.
“Sabi kasi ni coach (Robinson) huwag daw namin pabayaan si Salado, sundan daw namin siya kahit saan magpunta,” hayag ni Jaycee.
Haharapin ng Lyceum ang College of Saint Benilde (1-2) ngayong tanghali sa The Arena sa San Juan.
“The championship is there but it’s not yet within our grasp. What we can do now is try to win as many games as we can and try to get closer to it,” ani Robinson. (Elech Dawa)