Kung ako lang po si Santa Klaus!

ramil-cruz-turning-point

Wala pong pasok ang Prage Management Services, ang taga­paglathala po ng mga pahayagang Abante at Abante TONITE sa darating na Martes, Disyembre 24.

Dahil nasapol po mga ka-Abante TONITE at ka-Turning Point ang inyong lingkod, wala pong isyu kami sa araw na iyon. Kaya ia-advance ko na po ang aking mga Christmas Wish 2018 kung ako lang po sana si Santa Claus.

Philippine Sports Commission – Sa magandang programa sa taong 2019, makuha na ng mga Pinoy ang unang gold medal sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na matagal nang asam ng bansa mula pa noong 1924 sa Paris, France.

PSC Chairman William Ramirez – Sa pag-renda sa government sports agency, makopo ulit ng ‘Pinas ang ika-2 pangkalahatang kampeonato sa 30th Southeast Asian Games 2019 na babalikatin ni Juan dela Cruz sa ika-4 na pagkakataon.

Philippine SEA Games Organizing Committee Chairman Alan Peter Cayetano – Maging mabuti’t pulido ang pagpapatayo sa bagong sports complex sa Luzon na gagamitin sa 2019 SEAG, at kalauna’y magiging tirahan at training center na rin ng maraming national athletes.
Marami pa po akong gusto, pero dahil sa ­kakapusan ng espasyo, sa New Year’s Wishes ko na lamang po ­tatalakayin sa susunod na labas ng aking kolum.

***

Masarap po balikan ang pagkabata kaya naman nag-enjoy nang todo ang 15 kabilang sa Batch 1982 sa mga dumalo sa ginanap noong Sabado, Disyembre 15 na 1st Fernando Maria Guerrero Elementary School Grand Alumni Homecoming 2018 sa FMGES quadrangle sa Pedro Gil (Herran), Paco, Maynila.

Kasama ng inyong lingkod na mga nakisaya at nakipagharutan sina Neil B. Santilla, Rodeon Orario, Enrique Valera, Kiko Sambajon, Dainiel Sabater, Garizalde Aves, Melvin Santos, Rodolfo G. Sayco, Sonny Catallo, Ronnie Tan, Gerald David, Gemma Calipjo, Millet Ricarte-Dejucos, Rosana Sajol, at Belinda Gil-Ignacio.

Salamat po sa mga umasiste sa aming Batch 1983 na ang ilan ay sina Rebecca Geronimo Arana, Daisy Vasquez Castillo, Jazmine Marayag at iba pa nilang mga katropa. Mabuhay po kayo!

***

At happy birthday po sa ating mga ­December celebrant mula sa PMS.

Sila po ay sina Ceasar Q. Pacio (Dec. 4), Roniel de Guzman (5), Marlon P. Camara 13), Leonida C. Castro at Chrisha F. Enriquez (24), Jennie T. Bonajos (25) at Jenny Jean Boado (31).

Gayundin po si­yembre sa pinakamamahal kong nanay, Remedios D. Cruz-Raganit